Gerald napili ng may Tourette Syndrome

Aakalain mo na pinaka-mahirap na role na ginampanan ni Gerald Anderson ay yung  JR sa Tayong Dalawa, Tiagong Akyat sa Alamat ni Ramon Revilla at isa pang role sa Your Song Presents na kung saan ay nagka-partner sila ni Kim Chiu.

Pero hindi, lahat ay naniniwala, kasama na rito si Gerald na pinaka-malaking hamon sa kanyang career ay ang gagampanan niyang role sa isang episode sa Maalaala Mo Kaya. Role ng isang mayroong Tourette Syndrome, isang disorder sa nervous system, na kung saan ay palaging pumipiksi ang isang mayroon nito. Tulad ni Jerome Concepcion, ang nagpadala ng liham sa MMK, na mapapanood isa sa mga araw ng Sabadong darating.

Ang istorya ng 22 years old na si Jerome ang napili para isadula sa MMK. Isa sa pinakamalaking dahilan bukod sa talagang maganda ang istorya ay gusto ng programa na maging aware ang mga manonood sa kung anong uri ng sakit ang Tourette Syndrome at kung may lunas pa ang mga tinamaan ng ganitong disorder.

Sa pagtatagpo nina Gerald at Jerome sa isang intimate lunch present ang magiging direktor ng episode na si Ruel Bayani, ang head writer na si Mel del Rosario, ang director na si Lino Cayetano, ilang bossing ng ABS-CBN at staff ng MMK.

Kasama naman ni Jerome ang kanyang ina at ang pangulo at pangalawang pangulo ng Tourette Syndrome Society na sina Rowena Victorino at Marlon Varnuevo.

Walang TS si Rowena pero, meron siyang dalawang kapatid na may ganitong disorder kaya siya tumutulong sa TS Society, samantalang si Marlon ay may TS pero isa sa mapapalad na nagagawang gampanan ang mga karaniwang ginagawa ng mga walang TS sa kabila ng kanyang kapansanan.

Bulag ang kanang mata ni Jerome, bata pa siya nung matusok ito ng daliri mismo niya sa isang pagpiksi na mahirap niyang ma-kontrol. Isang nakakabatang kapatid na lalaki rin ang may kaparehong kapansanan.

Ang Tourette Syndrome ay common at madalas mapunta sa mga lalaki simula sa edad na 6 hanggang 12 taon. Bukod sa eye popping, senyales din ng pagkakaroon ng TS ang head banging at pag-uuntog ng mga tuhod kapag naglalakad.

Habang nakaupong magkatabi sina Gerald at Jerome ay kitang-kita ang matiim na pag-aaral ni Gerald ng mga mannerisms ni Jerome.

Inamin niyang nakaramdan siya ng lungkot para rito dahil bukod sa maganda itong lalaki ay matipuno pa ang pangangatawan at may magandang speaking voice.

Hindi pa nakakapili ng mga artistang makakasama ni Gerald sa MMK.

* * *

Sa pagdaragdag ng The Bar ng ikatlo at pinaka-bago nitong variant, ang The Bar Apple Vodka, nadagdagan din ng lima ang orihinal na dalawang endorser ng unang dalawang variant, ang Orange Vodka at Lemon-Lime Gin na ini-endorso nina Angelica Panganiban at Jake Cuenca.

Mga bagong makakasama ng dalawa sina Wendy Valdez, Joyce So, Jaymee Joaquin, John James Uy at Jay-R Siaboc.

Pare-parehong umiinom ang lima, pero ginagawa lamang nila ito to have a good time, para makipag-socialize at hindi para maglasing.

 “Lumaki ako sa paniniwalang ang inuming panlalaki dapat ay hard at high on alcohol. Pero ang The Bar pala ay kakaiba, it’s easy and smooth,” sabi naman ni Jay-R.

 “Happy ako na kahit uminom ako ay walang extra calories na madaragdag sa katawan ko,” sabi ng model-actress at cover girl na si Joyce So. 

Show comments