Masaya ako dahil ang isa sa mga inaalagan ko, ang 17 years old na si Jake Vargas ay gumaganda na ang takbo ng career. Unti unti na rin siyang napapansin ngayon, nagkakaroon na ng following.
Alam ko, malaki pa ang i-improve ni Jake hindi lamang sa pag-arte kundi maging sa pagkanta.
* * *
May isa pa akong alaga na unti-unti na ring umaagaw ng pansin sa Walang Tulugan. Siya si Hideaki, isang Japanese teener na mapupuri mong talaga dahil ang bilis natuto ng Tagalog.
Magkaedad sina Aki at Jake, mas mataas lamang si Aki at katulad ni Jake ay kumakanta rin, hindi nga lang marunong mag-gitara na tulad ni Jake pero marunong namang sumayaw.
I will be launching him kapag talagang marunong na siyang mag-Tagalog, matiyaga naman siya at punung-puno ng enthusiasm.
* * *
Sa totoo lang, gusto ko na sanang tumigil sa pagdidiskubre ng mga artista. Hindi naman ako kumikita rito, talagang pagtulong lang ang ginagawa ko. Pero paano ko naman tatanggihan kapag may lumalapit at nagpapatulong sa akin?
Mahirap ding magpasikat ng artista.
Hindi overnight ang pagsikat ng maraming artista, marami sa kanila, kinailangan ng panahon bago sumikat. Kailangan din talaga ng tiyaga.
* * *
Tingnan mo nga naman at talagang parang sinadya na nagkapareho na ang bagong talent program ng GMA 7 at ABS-CBN na pangtapat sa Talentadong Pinoy ng TV5.
Ewan ko kung kailan sisimulan ang Pinoy Got Talent ng ABS-CBN pero ang Showwwtime ni Michael V. napanood na natin noong Sabado ng gabi.
Pagandahan na lang siguro ng concept – doon magkakatalo ang tatlong programa.