^

PSN Showbiz

Edu pahinga muna sa Game Ka Na Ba?

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Indefinite pa raw si Edu Manzano sa kanyang pagkandidato bilang senador sa 2010 elections. Ayon sa source, may mga kino-consider pa ang actor/TV host pero definite na pahinga muna siya sa Pilipinas Game Ka Na Ba? na season ender na this month (di ko alam kung pang-ilang season ender).

Though may mga insiders ang nagsabi na sa partido ni dating presidente Joseph Estrada aanib si Edu pero may iba pa naman daw option. Lahat daw kasi ng partido ay may offer sa dating Optical Media Board chairman.

Nauna nang itinanggi ni Edu na wala siya sa partido ni Manny Villar. Tapos kung wala siya sa partido nila Erap? Kanino kaya?

Tungkol naman sa PGKNB? ayon kay JT, babalik din naman ang nasabing game na iba na naman ang mechanics. ‘Yun lang naman daw kasi ang game show na consistent na nagpapalit ng mechanics.

* * *

Grabe na ang panahon. Kahit katanghaliang tapat, malalakas na ang loob ng holdaper.

Hindi mo ma-imagine na ang Greenbelt 5, isang high-end mall na ang karamihang nagpupunta ay mayayaman ay hinoldap ng tanghaling tapat.

Labing-isang katao raw ang sumugod sa Rolex store, tindahan ng mamahaling relos.

Binasag ang mga salamin, pinupok daw ng martelyo at saka kinuha ang mga relos.

OMG talaga. Kahit sa Tagalog film wala pa yatang ganung scenario.

Ang daming security sa Greenbelt 5 at mataong lugar. Sunday pa naman. Pami-pamilya ang namamasyal.

Imagine mo na lang ang mga naram­daman ng mga namamasyal doon kasama ang kanilang mga anak habang may barilang nangyayari.

Naguyo ng mga holdaper ang mga security guards dahil suot nila ang bomb squad t-shirt.  

AYON

BINASAG

EDU

EDU MANZANO

JOSEPH ESTRADA

KAHIT

MANNY VILLAR

OPTICAL MEDIA BOARD

PILIPINAS GAME KA NA BA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with