MANILA, Philippines - Malalim ang pinagmulan ni Fidel V. Ramos bago siya nanungkulan bilang pangulo ng bansa 1992 hanggang 1998.
Sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes, magbabalik-tanaw tayo sa buhay ni FVR … ang pagtatapos niya sa United States Military Academy sa West Point nung 1950, pagtatapos ng masteral sa Engineering sa University of Illinnois, masteral in Business Administration sa Ateneo University at pangunguna sa kanyang klase sa Infantry Training ng Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.
Sa interbyu kay FVR ng host-producer na si Mother Ricky ay matatalakay din ang pribadong buhay ng special guest bilang asawa ni Tita Ming, ama ng kanilang limang anak na babae, kaibigan, disciplinarian at relihiyoso. Pati na ang mga di niya malilimutang karanasan bilang estudyante sa ibang bansa, militar at public servant.
Abangan din ang iba pang makabuluhan at napapanahong mga talakayin sa mga darating na presentasyon ng LSWGRR na produksiyon ng ScriptoVision at napapanood tuwing Linggo sa QTV-11 mula alas diyes hanggang alas onse nang umaga.