Miriam ayaw sa corrupt

Maraming kuwento si Miriam Quiambao sa shooting ng Patient X, gaya ng mga nakakatakot na eksena at make-up na nagbigay sa kanya ng nightmare. Pero ang kapalit noon ay isang magandang pelikula na thankful siyang mapasama at maidirek ni Yam Laranas.

Maghanda raw matakot, at sumigaw ‘pag pinanood ang pelikula simula October 28. Kung gusto ninyong mapaaga ang inyong takot, manood kayo sa premiere night nito sa Oct. 25 sa Cinema 4 ng SM Manila.

Samantala, sino kaya ang politician suitor ni Miriam? Ayaw nitong magbigay ng kahit anong clue sa kanyang manliligaw at siguro dahil hindi nito masyadong feel magka-dyowa ng politician. Takot daw siya sa politician dahil baka gamitin lang siya at responsibilidad niya ‘pag nasangkot ito sa mga katiwalian sa gobyerno.

So, hindi siya makikipag-relasyon sa politician?

“Depende kung credible siya at kundi corrupt. Mataas ang standard ko sa lalake at gusto ko may integrity. Ayaw ko sa kurakot at tiyak na ‘di papasa sa akin,” sabi ni Miriam.

* * *

Nanay na si Joyce Jimenez na nagsilang ng sanggol na babae na pinangalanang Jorja Ely Reintegrado Egbalic. Ipinanganak ang 5.135 lbs., at 18.25 inches baby noong October 16 at 1:18 am.

Incomplete pa ang details na galing sa mommy ni Joyce, pero tiyak na masayang-masaya ang aktres na may baby na sila ng kanyang mister.

* * *

Unfair para kay Mel Kimura na kahit hindi mag-effort magpaganda si Jewel Mische sa kodakan ng cast ng Special episode ng Dear Friend na eere sa October 25 at sa direction ni Mark Reyes, lumalabas pa ring maganda ang dalaga.

Balik-trabaho si Jewel sa episode kapareha ni JC de Vera at kinakitaan ng chemistry ang kanilang tambalan. Magnobyo na naging mag-asawa ang role ng dalawa at papagitna sa relasyon nila si Ynna Asistio.                                                                                             

Bitin si Jewel dahil three taping days lang sila, kaya looking forward sa sinabing gagawing primetime show. Samantala, sa kanyang studies muna ang mas malaking oras dahil bukod sa Conservatory o Music course niya sa UP, pumapasok din siya sa Bible College at sa Yokohama Flying School. Hindi lang nito sinagot kung sino ang unang isasakay niya ‘pag may lisensya na siyang magpalipad ng chopper.

Ayaw din nitong sagutin ang tanong sa kanyang lovelife at ayaw sa title na GF sa Dilim. Sana raw, hindi siya tawagin ng ganu’n dahil ‘di siya komportable.

* * *

Thru’ text message, ibinalita ni Angeli Pangilinan-Valenciano na successful ang As 1 concert nina Martin Nievera at Gary Valenciano sa Houston, Texas. Binigyan ng separate standing ovation ang dalawa, si Martin sa kanyang Broadway medley at si Gary for his Shout for Joy number.

 Humingi rin daw ng donation para sa Ondoy & Pepeng victims ang dalawa at tiyak na marami pa ang mako-collect dahil sold out ang tickets sa concert sa Los Angeles kahapon at maganda rin ang bentahan ng tiket sa Chicago (October 23) at Atlantic Citry (Oct. 25).

Pagbalik nina Angeli, matanong nga kung totoong nagka-isyu sila kay Rowell Santiago kaya hindi ito ang nag-direk ng As 1 dito at sa US series. Bakit kaya at paano?

Show comments