Thirty-nine Filipino singers na ang kasali sa music video na pinangungunahan ni Ogie Alcasid at dedicated sa mga kababayan natin na biktima ng bagyo at baha.
Tagumpay ang project ni Ogie dahil nang i-announce niya sa Thanksgiving party ng Yaya & Angelina ang concert na pinaplano, siya pa lang ang confirmed singer.
Mula sa isa, lumobo sa 39 ang bilang ng mga Pinoy singer na ka-join sa music video kaya tuwang-tuwa si Ogie sa suporta ng mga kasamahan niya sa industriya.
Inilipat na rin sa December 5 ang unity concert para sa typhoon victims. Pinalitan nina Ogie ang concert date at ang venue para maiwasan ang show ng isang international singer sa November 14 na gaganapin naman sa Mall of Asia Concert Grounds.
Iba na rin ang venue ng unity concert, hindi na sa Araneta Coliseum. Sa Mall of Asia Concert Grounds na dahil maraming Pinoy singer ang sasali at para ma-accommodate ang libu-libong manonood.
* * *
May pakisuyo si Mildred Natividad, ang executive producer ng Showbiz Central. Gusto niyang i-remind sa lahat na ngayon ang launch sa SOP ng CD album nina Bernie Ann at AJ Tabaldo.
Ipo-promote rin ng dalawa ang kanilang concert sa October 27 sa Metro Concert Bar sa West Avenue, QC. Special guest nila si Aiza Seguerra.
Mabibili na ang CD album nina Bernie Ann at AJ sa mga record bar. Ang Universal Records ang distributor ng CD album at palaging pinatutugtog sa mga FM station ang carrier single, ang Isang Katulad Mo.
Happy ang Universal Records dahil malakas ang airplay at recall ng carrier single ng CD album nina Bernie Ann at AJ. Si Vehnee Saturno ang composer ng hit song.
* * *
O ayan ha. “Merry Christmas talaga” ang message ni Jackie Lou Blanco sa mga intrigera na nagpipilit na matagal na silang hiwalay ng kanyang asawang si Ricky Davao.
Nang mag-deny si Jackie Lou sa Startalk, wala sa itsura niya na hiwalay na nga sila ni Ricky. Pinagtatawanan na nga lang niya ang lumang balita na muling nabuhay dahil madalas na nakikita na magkasama si Ricky at ang magazine publisher na si Sari Yap.
Kahit ipinagpipilitan ng mga intrigera na hiwalay na sina Ricky at Jackie, wala silang magagawa dahil mismong ang mga sangkot na tao ang tumatanggi.
* * *
Siete/Siete ang title ng 14th anniversary show ng Startalk sa October 28 dahil 7+7 = 14.
Fourteen years old na ang Startalk at maging ako eh excited dahil sino ang mag-aakala na tatagal nang ganito ang aming show?
Pinaghahandaan, pinagpupuyatan at pinag-isipan ng Startalk staff ang aming anniversary show kaya hindi ito dapat palampasin. Markahan ninyo ang date sa inyong mga kalendaryo, October 28.
* * *
Nag-pictorial na sina Heart Evangelista at Richard Gutierrez noong Biyernes para sa Tagalog adaptation ng Koreanovela na Full House.
Parehong excited sina Richard at Heart sa kanilang bagong TV project. Hindi binitiwan ni Heart ang panonood sa original version ng Full House dahil sa kagustuhan niya na mapaghandaan ang pagbabalik sa primetime TV.