Nasilipan tuloy, Cristine nakabukaka habang nagpi-presscon

Seen : Sina Sharon Cuneta, Charo Santos-Concio sa Barangay Linga, Pila, Laguna noong Huwebes. Namigay sila ng relief goods sa mga biktima ni Ondoy.

Scene : Trying-hard comedienne si Mosang. Hindi siya asset sa Moshi, Moshi episode ng SRO Cinemaserye. Hindi nakakatawa ang mga eksena nila ni Rufa Mae Quinto.

Seen : Si Dingdong Dantes ang special guest speaker sa Laguna Polytechnic University noong Huwebes. Natuwa ang mga estudyante ng school sa Sta. Cruz, Laguna dahil kasama niya si Marian Rivera.

Scene : Maaaksidente at sasailalim sa plastic surgery procedure ang karakter ni Sunshine Dizon sa Tinik sa Dibdib at kapag tinanggal ang benda, si Nadine Samonte na si Lorna. Ito ang solusyon na naisip ng mga writer ng Tinik Sa Dibdib upang maipasok si Nadine sa show na sinayang ni Sunshine.

Seen : Ang pagtatanggol ni Dorothy Laforteza kay Sunshine. Wala nang maniniwala sa nanay ni Sunshine dahil dati nang nambibitin ng mga taping ang kanyang anak.

Scene : Walang conflict sa Ang Tanging Pamilya ang muling pagkandidato ni Joseph Estrada sa pagkapangulo dahil sa November 11 ang playdate ng pelikula nila ni AAi delas Alas.

Seen : Nasilipan si Cristine Reyes sa presscon ng Patient X. Nakita ang kanyang panty dahil nakabukaka siya.

Scene : Si Mark Anthony Fernandez ang lead actor ng Diablo episode ng Shake, Rattle & Roll X1. Si Maja Salvador ang bidang babae sa Diablo.

Show comments