JC first time nakasama sa 18 roses
Alam ba ninyo na first time pala ni JC de Vera mapasama sa 18 Roses ng isang debutante?
At ito’y nangyari mismo sa 18th birthday party ng aking unica hija na si Aila Marie Reyes na nagdiwang (advance) ng kanyang kaarawan na ginanap sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan City nung nakaraang Linggo (Oct. 11) ng gabi.
Ang actual birthday ni Aila Marie ay October 30. Ito’y inaagahan dahil semestral break niya sa kanyang pag-aaral sa Tokyo, Japan.
Si JC mismo ang nagkuwento kay Aila na first time niyang sumayaw sa 18 Roses at isa umano itong kakaibang experience para sa kanya.
Originally, October 3, (Sabado) naka-set ang party ni Aila pero dahil sa magkasunod na bagyong Ondoy at Pepeng, ipinagpaliban ito ng October 11 (Linggo).
High School musical ang theme ng 18th birthday ni Aila dahil paboritung-paborito niya ito.
Pero nalaman lamang niya ang tema nung araw mismo ng kanyang party. Since parehong sina Sam Concepcion at PJ Valerio ang dalawa sa mga lead stars ng local production ng High School Musical na ginanap sa Meralco Theater two years ago, silang dalawa ang kasama sa mga surprise guests ni Aila at kasama na rito sina Mark Bautista, JC de Vera, at Luis Alandy.
Si Mark ang sumalubong at nag-abot ng arm-bouquet kay Aila nang siya’y bumaba ng hagdanan at naghatid sa kanyang upuan at si PJ naman ang nag-escort pagkatapos ng 18 Roses dance.
Kasama sina Mark, JC at PJ sa 18 Roses dance na kinabibilangan din nina Kuya Germs (German Moreno), Julius Babao, Butch Francisco, Direk Boots Plata, Gino Padilla, Dioceldo Sy, Dr. Ivan Villenspin, ang guwapong ka-date ni Mara Isabelle Lopez Yokohama (anak ni Ma. Isabel Lopez) na si Lars Myrvang na isang half-Norwegian at half-Filipino, ang mga kaibigan ni Aila na sina Karlo Matriano, Peter Lingat, Jr., Marc Lawrence Dagatan, Patrick Vincent Cua, Almario Tesorio, Emmanuel Tuazon, at ama ni Aila na si Ernie Reyes.
Sa 18 Candles, kasama sa mga ito ang kaisa-isang anak ng singer na si Eva Eugenio na si Evangeline Nora Mae Eugenio Sebastian at panganay ni Ma. Isabel Lopez na si Mara Isabelle Lopez Yokohama.
All the rest ay mga kaibigan ni Aila at pamangkin niyang si Ivy Grace Gayo at best friend niyang si Ma. Rochelle Ann Frances Ignacio o si Roxyn.
Hindi na nahintay ng movie queen at veteran award-winning actress na si Gloria Romero ang pagsisimula ng 18 Treasures kung saan siya kabilang dahil inatake siya ng vertigo pero isa siya sa pinakamaagang dumating sa venue along with couple Dolor Guevarra and Direk Boots Plata at entertainment writer friends na sina Ronald Constantino at Manay Ethel Ramos.
Ang mommy ni Cristina Gonzales-Romualdez na si Charito Mallarky-Gonzales ang nag-represent kay Kring-Kring sa 18 Treasures na kinabibilangan din ng movie queen na si Susan Roces, Sen. Jinggoy Estrada, Pops Fernandez, actress-director Gina Alajar, stage, TV & movie actress Pinky Amador, radio-TV anchor Tintin Bersola-Babao, singer Jamie Rivera, perfume magnate Joel Cruz, former Miss Magnolia and TV host Malu Maglutac-Chiongbian, former ABS-CBN executive Minnie Francisco-Francia, PR practitioner and talent manager Norma Japitana, Kristine Gabriel, Cristina Castillo-Decena, ang fashion-designer ninong ni Aila na si Gener Gozum na siyang may gawa ng tatlong gown ni Aila at ng inyong lingkod.
Dapat sana’y tutugtog pa sa piano si Aila as her gift sa kanyang mga dumalong bisita pero hindi na niya ito nagawa.
Hindi na rin nakakanta ang concert queen na si Pops Fernandez sa sobrang haba ng kinain ng 18 Candles portion.
Hindi na rin nakuha pa ni Aila na magpalit ng dalawa pang gown at nababad siya sa iisa na siyang suot-suot.
Maraming nag-enjoy sa hosting style ni Jojo Alejar na nag-compose pa ng sarili niyang lyrics para lamang kay Aila.
Unknown to many, si Jojo na isa sa mga graduates ng That’s Entertainment ni Kuya Germs.
Sa kabila ng pagkaka-postponed ng party ni Aila at hindi pagdating ng ibang mga inaasahan pang bisita, nakarating pa rin sa nasabing okasyon ang mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez, ang kilalang radio and TV commentator na si Anthony Taberna, ang singer na si Viktoria Agbayani kasama ang kanyang napakaguwapong boyfriend-escort na si Edouard George na isang half-Belgian at half-Filipino, ang President-CEO ng IPS, Inc. na si G. Koji Miyashita, ang President-CEO ng Sanyo-Philippines na si Noboru Inoue at ang kanyang pamilya, ang dining manager ng Toki Japanese Restaurant na si Keitaro Kawasaki, ang aking balikbayang friends na sina Mhel Lago (from L.A.) at Llew Macahilig (from New York), Dra. Ann Trinidad, Bhoy Navarette at marami pang iba.
Kinabukasan, Lunes (Oct. 12) ay lumipad na si Aila pabalik ng Tokyo, Japan na baon ang masayang alaala ng kanyang debut party.
Sa ngalan ng aking anak na si Aila Marie, nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga dumalo.
* * *
Personal : Maraming-maraming salamat sa Creative One sa pamumuno ng director na si Mhau Herrera, sa production designer (ng GMA-7) na si Melvin Lacerna, Sid de Mesa ng Sid-Ann, Gener Gozum, Bhoy Navarette, Sen. and Mrs. Bong Revilla, Direk Carlo J. Caparas and Donna Villa, Lorna Tolentino, Boy Abunda, Emelio Uy, Tito Al Chu, Koji Miyashita, PIMSI, L. Carlos, Florist, Richard Garcia of 3rd Degree Mobile, Gammy Pazaro Photography, Mark Gacer, Boy Borja at iba pa.
* * *
- Latest