Sunshine 'Di na natuto

Mahigit na palang P100M ang nalilikom ng Kapuso Foundation at ito ay matagal nang tina­tamasa ng mga biktima, una ng Ondoy at pangalawa ng Pepeng, sa pamamagitan ng relief goods.

Ewan ko lamang kung ginagastusan din ang mga materyales na ginagamit sa paglilinis ng mga lugar, lalo na ng mga eskwelahan na binaha ng putik at sumira ng maraming gamit nito.

Sana lamang, makasapat ito para makatulong sa pagbangon ng mga nawalan ng bahay at buhay. Matulungan man lamang sila na matayuan ng apat na poste at malagyan ng bubong na makakanlungan nila sa init at ulan. Mahirap talaga yung walang mauuwian. They can not forever stay sa evacuation centers. Pero kung wala silang mauuwian, saan naman sila pupunta?

* * *

Bagaman at hindi siya gaanong nababalita, aktibo pa rin sa showbiz si Champagne Morales. Pinagtutulungan siyang i-manage ng kanyang inang si Dinah Dominguez, katulong ang Viva Artists Agency.

May regular show sa TV si Champagne, ang Celebrity Home & Business, sa Viva Cinema Cablelink Channel 56. Napapanood ito araw-araw,11:00 ng umaga at 6:00 ng gabi.

Lalabas ang mag-inang Dinah at Champagne sa isang fundraising para sa sinalanta ng bagyo na itinataguyod ng Crusade Against White Collar Crimes.

Masaya ako for Champagne dahil hindi siya nawawalan ng projects.

* * *

Ongoing na ang 11th Cinemanila International Film Festival na ginaganap sa Market! Market! cinemas sa Bonifacio Global City, Taguig. Sana suportahan natin ito dahil dito natin mapapanood ang maraming indie films na kumuha ng parangal sa mga international filmfest.

Panoorin natin para malaman naman natin kung bakit maraming indie films ang nagbibigay parangal sa ating bansa.

Hindi lamang naman mga local films ang ating puwedeng panoorin kundi maging ang magagandang pelikula na gawa sa ibang bansa. Sa ganitong paraan lamang natin makikita kung saan tayo angat o kulang kumpara sa ibang bansa pagdating sa filmmaking.

* * *

Ano ba Sunshine (Dizon), ano na naman ba ang nangyayari sa ‘yo? Ginawa mo na dati ito pero nakabalik ka. Hindi ka pa natuto. Kapag inulit mo pa ito, baka hindi ka na makabalik.

Sayang ang Tinik sa Dibdib na nilayasan niya.

Show comments