Richard at Cristine nabuko, nag-unwind sa Subic
Hindi makapaniwala sina Richard Gutierrez at Cristine Reyes na malalaman ko ang date nila sa isang beach resort sa Subic noong Miyerkules.
Para que pa na naging reporter ako kung hindi ko mabubuking ang kanilang date na nagsimula ng after lunch at nagtagal hanggang 10:00 p.m.
Ang sabi ni Richard, nag-relax lang sila ng leading lady niya sa Patient X pero marami ang puwedeng mangyari sa halos sampung oras na pagsasama nila.
Siyempre, umiral ang malisya ng mga reporter, lalupa’t walang boyfriend si Cristine.
Ang feeling nila, unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Cristine kay Richard. Sino ba naman ang babae na hindi magkakaroon ng crush kay Richard?
Sinungaling ang babae na magsasabi na hindi nila type maging dyowa si Richard!
* * *
Naniniwala ako na itinakda ng tadhana na magkasama sa pelikula sina Richard at Cristine.
Si Heart Evangelista ang talagang leading lady ni Richard sa Patient X pero ano ang nangyari?
Ipinalit si Cristine kay Heart dahil inoperahan ito at hindi puwedeng hintayin ang kanyang availability porke may playdate na ang pelikula. So, si Cristine ang instant replacement.
Sa dinami-rami ng artistang babae na magiging biktima ng baha, bakit si Cristine pa?
Hindi nagpabaya si Richard sa kanyang kapareha. Hindi siya nakatiis, gumawa ng paraan si Richard na ma-save si Cristine.
Naging big news sa Pilipinas at sa buong mundo ang daring at death-defying rescue niya kay Cristine at nakatulong ito para lalong pag-usapan ang kanilang unang movie team-up.
May mga nagkalat ng tsismis na gimik para sa Patient X ang ginawa ni Richard .
Hindi naman ibubuwis ni Richard ang buhay niya para lang makagimik no!
Luka-luka ang mag-iisip nang ganoon as in wala silang bait sa sarili.
* * *
Wala si Yam Laranas sa presscon kahapon ng Patient X.
May previous appointment si Yam kaya hindi ito nakasipot sa presscon.
Nag-promise ang GMA Films na dadalo si Yam sa premiere night ng Patient X sa SM Manila Cinema sa October 25.
Magpapainterbyu raw si Yam bago mag-start ang red carpet premiere ng pelikula.
* * *
May special participation sa pelikula ni Richard ang bagets na si Jake Vargas.
Siya ang gumanap na kapatid ni Richard.
Alaga ni Kuya Germs si Jake kaya umapir din sa presscon si Master Showman.
Ka-table ko sila kaya kitang-kita ko ang reaksiyon ni Jake habang tinutukso ko ng “6” si TJ Trinidad.
Nagpanggap si Jake na busy ito sa paglalaro ng games sa kanyang cellphone pero sight na sight ko ang kanyang lihim na pagtawa dahil sa panunukso ko kay TJ.
Huwag n’yo nang itanong ang ibig sabihin ng “6” joke ko kay TJ pero kung hindi kayo makapagpigil, si Jake ang tanungin ninyo.
Sure ako na bubunghalit ng tawa ang bagets kapag narinig niya ang number 6. Number 6 daw o!
* * *
Pauwi na si Nadine Samonte sa Sabado mula sa Germany.
Hindi na siya puwedeng mag-extend ng bakasyon dahil may taping na siya sa Lunes para sa Tinik Sa Dibdib. May raket din siya sa Linggo.
Nagpunta si Nadine sa Germany dahil may mga inasikaso siya doon. Hindi raw nakipagkita si Nadine sa kanyang ama dahil may tampo pa siya na kinikimkim.
Kung anuman yon, malalaman din natin dahil kukulitin si Nadine ng mga reporter.
- Latest