^

PSN Showbiz

Karen tutukuyin ang may sala sa pagbaha

-

MANILA, Philippines - Kalikasan nga ba ang may kagagawan ng mala­wakang pagbaha sa iba’t ibang parte ng ban­sa? Ayon sa mga eks­perto sa urban planning, may sala rin ang tao at ang pa­mahalaan dito.

Samahan si Karen Da­vila sa kaniyang pag­sasaliksik tungkol sa problema ng urban plan­ning sa Pilipinas at kung paano ito nagdu­dulot ng pagbabaha ngayong Martes (Oct. 13) sa The Cor­res­pondents.

Sadyang malapit sa pagbabaha ang Metro Manila kahit noong panahon pa ng Kastila kaya nagkaroon ng mga estero noon. Ngunit ngayon, hindi lamang basura kundi mga iligal na residente ang nakabara sa sana’y maayos na daloy ng tubig baha.

Bukod sa kawalan ng Flood Control Plan, hindi rin dininig ng gobyerno ang suhestiyon ni Jun Palafox, isang eksperto sa urban planning, na mga disenyo ng bahay o gusali na matatag sa panahon ng kalamidad.

Para sa ibang isyung tinalakay sa programa, pumunta lang sa http://thecor­res­pondents. multiply.com/.  Samahan si Karen Davila sa pag-analisa sa pasikut-sikot ng problema sa urban planning sa Pilipinas ngayong Martes (Oct. 13) sa The Corres­pondents, pagkatapos ng Ban­dila sa ABS-CBN.

AYON

BUKOD

FLOOD CONTROL PLAN

JUN PALAFOX

KAREN DA

KAREN DAVILA

METRO MANILA

PILIPINAS

SAMAHAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with