Christine at Suzi magsisimula na sa usapang mommy

MANILA, Philippines - Isang linggo na puno ng mommy to mommy bon­­ding ang dapat abangan simula ngayong Lu­nes sa pilot week ng Full Time Moms sa Q Chan­nel 11, kasama ang hosts na sina Suzi En­tra­ta-Abrera at Christine Jacob-Sandejas.

Sa pilot episode ngayong Lu­nes, makikipag­tsikahan sina Suzi at Christine sa all-girl trio na La Divas. Iba­bahagi nina Jona­lyn, Aicel, at Ma­ricris ang suc­­cess stories pati na kung pa­­a­no sila sinu­por­tahan ng ka­­ni­lang mga magu­lang.

Bibisita rin sa show ang co­­me­dians na sina Tess Bomb at Buboy Ipus.

Iba’t ibang issue na­man tungkol sa preg­nancy ang pag-uusa­pan nina Suzi at Chris­tine kasama sina Nan­cy Cas­tiglione at Ches­­ka Garcia-Kra­mer bukas, Martes.

Sa Miyerkules, ma­pa­­pa­­nood ang kakaibang close­ness nina Kuh Le­des­ma at Isabella.

Ang barkada naman nina Tirso Cruz III, Mark Gil, Bem­bol Roco, at Rez Cortez ang makaka­kuwentuhan ng dalawang hosts sa Huwebes.

Stress management naman ang pag-uusapan sa Full Time Moms sa Biyernes. Sasamahan sina Suzi at Christine ng mag-asawang Gerard Pizarras at Jan Marini, Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens.

Abangan ang lahat ng ito ngayong linggo, Lunes hanggang Biyernes, sa Full Time Moms, 7:30 p.m., sa QTV 11.

Show comments