Christine at Suzi magsisimula na sa usapang mommy
MANILA, Philippines - Isang linggo na puno ng mommy to mommy bonding ang dapat abangan simula ngayong Lunes sa pilot week ng Full Time Moms sa Q Channel 11, kasama ang hosts na sina Suzi Entrata-Abrera at Christine Jacob-Sandejas.
Sa pilot episode ngayong Lunes, makikipagtsikahan sina Suzi at Christine sa all-girl trio na La Divas. Ibabahagi nina Jonalyn, Aicel, at Maricris ang success stories pati na kung paano sila sinuportahan ng kanilang mga magulang.
Bibisita rin sa show ang comedians na sina Tess Bomb at Buboy Ipus.
Iba’t ibang issue naman tungkol sa pregnancy ang pag-uusapan nina Suzi at Christine kasama sina Nancy Castiglione at Cheska Garcia-Kramer bukas, Martes.
Sa Miyerkules, mapapanood ang kakaibang closeness nina Kuh Ledesma at Isabella.
Ang barkada naman nina Tirso Cruz III, Mark Gil, Bembol Roco, at Rez Cortez ang makakakuwentuhan ng dalawang hosts sa Huwebes.
Stress management naman ang pag-uusapan sa Full Time Moms sa Biyernes. Sasamahan sina Suzi at Christine ng mag-asawang Gerard Pizarras at Jan Marini, Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens.
Abangan ang lahat ng ito ngayong linggo, Lunes hanggang Biyernes, sa Full Time Moms, 7:30 p.m., sa QTV 11.
- Latest