Goma magiging co-host ni Lucy

MANILA, Philippines - May espesyal na guest co-host ngayong Martes si Lucy Torres sa The Sweet Life, walang iba kundi ang asawa niyang si Richard Gomez!

Kasunod ng Monday episode na pagbibidahan nila Aljur Abrenica at Kris Bernal, ang Couples episode ngayong Martes ay tungkol sa buhay mag-asawa. Makakasama nina Lucy at Richard ang mag-asawang sina Yayo Aguila at William Martinez, at Nonito at Rachel Donaire para sa isang masayang kwentuhan.

Sa isa pang bahagi ng show, magluluto naman si Richard ng kanyang special Bistek Tagalog. Ma-impress kaya si Lucy?

Sa Miyerkules, mga dog lovers na tulad nina Toni Rose, Tess Bomb, and Jopay ang kakuwentuhan nina Lucy at Wilma Doesnt, na nagbabalik bilang co-host. Tatlong pares ng glam squads naman ang lalong magpapaganda sa mga kikay teens Inah Estrada, Isabela De Leon, at Ynah Asistio para sa Kikay Teens episode ng The Sweet Life ngayong Huwebes. At sa Biyernes, mga celebrities na may mga horror stories sa pagpunta nila ng spa o salon ang makikipagkwentuhan kina Lucy at Wilma.

Sweet na sweet ang linggong ito, Lunes hanggang Biyernes siyempre, kaya mag-abang na tuwing alas-singko ng hapon sa Q Channel 11.

Zoren pinayuhan SIna Juday At Ryan

 Aminado ang gwapung-gwapo pa ring si Zoren Legazpi na nakikita niya sa bagong kasal na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang samahan nila ng partner niyang si Carmina Villaroel.

“Tulad kasi namin ni Carmina, dinadaan lang namin sa biro ang lahat ng isyu na ipinupukol sa aming dalawa,” paliwanag ni Zoren.

Napuna ito ng dating matinee idol sa set ng romantic comedy na George and Cecil kamakailan kung saan nakasama niyang muli si Juday at nakatrabaho sa unang pagkakataon si Ryan. Halatang click na click silang tatlo sa isa’t isa at nakuha pang payuhan ni Zoren ang dalawa sa kanilang buhay mag-asawa.

“Dapat give and take lang and be satisfied sa partner mo kasi ayan na ‘yan. Siya na ang napili mo,” sabi niya.

Pagdating naman sa pagiging isang ama, simple lang ang paalala ni Zoren kay Ryan at yun ay ang tamang pagtantya kung kelan gagampanan ang maraming papel ng isang tatay sa kanyang anak.

“Bilang ama, dapat flexible ka. Alam mo dapat kung kelan ka magiging father, kaibigan, kaaway, yaya, teacher, o kung ano pa man sa anak mo,” dagdag pa nito.

Tila beterano na nga si Zoren sa mga nabanggit na papel na kanyang ginampanan pero ngayong Linggo (Oct. 11), isang bagong papel ang kanyang susubukan bilang miyembro ng sindikato na naging witness sa George and Cecil.

SINo ang type ninyong maging first lady?

Sa apat na magkakasunod na Linggo’y nasaksihan ninyo sa Life and Style with Ricky Reyes ang apat na ginang ng mga popular na ginoong itinuturing na presidentiables.

Tutok lang this Sunday alas-diyes ng umaga hanggang alas-onse dahil itatampok ang interbyu ni Mother Ricky Reyes kina Tarlac Rep. Nikki Teodoro, Las Piñas Rep. Cynthia Villar, Marikina Mayor Marides Fernando at Jesus Is Lord Institute gurong si Dory Villanueva.

Kayo na ang humusga kung sino sa apat ang nararapat manirahan sa Malacañang Palace o maging next First Lady ng bansa. Tiyak na mahihirapan kayo dahil lahat sila’y pare-parehong may K.

Sa Glitters ni Linabelle Villarica’y tampok ang pinakabatang pintor ng Bulacan na si Marcelo Buado.

Isasalaysay naman ni Tito Buboy Syjuco sa TESDA Success Story kung paano umunlad ang buhay ni Remedeth Roque matapos niyang maging PGMA iskolar at gumradweyt sa kursong Call Center NC II.

Sa mga gustong magpaganda’t magbago ng anyo, tutok lang sa Great Hair Day para magkaroon ng ibang level ang inyong kagandahan.

Show comments