LT bata pa, dapat ma-in love

Hindi madaling gawin sa telebisyon yong pata­galin ang isang programa. Mabilis kasi ang pagpapalit ng mga programa. Marami ang makatapos lamang ang one season o three months ay natatapos na agad.

What sets Startalk apart from other showbiz oriented talk shows, bukod sa napakasayang kumbinasyon ng mga hosts na sina Butch Francisco, Joey de Leon, Ricky Lo at Lolit Solis ay ang segment nitong T! The Tigbak Authority, Da Who at Chicka-Picka, mga kakaibang presentasyon ng mga blind items na naturingang hindi pinapanga­lanan ang mga artistang sangkot pero, nahuhulaan agad sa dali ng mga clues. Hindi man mag-ID ang mga artista, nagiging isang masayang pahulaan ito sa mga TV viewers. Dito sumikat ang mga character nina Fayatollah, Pepita Smith, Steve-kavetron. Dito rin nakasama si Marky Cielo nun at ngayon ay tampok sina Chariz Solomon, Jan Manual at Alyssa Alano.

Walang ganito ang ibang mga showbiz talk shows, at ito sa aking palagay ang susi ng tagumpay ng Startalk. Happy anniversary sa inyong lahat.

* * *

Alam n’yo, ako ang natatakot na baka patuloy tayong subukin ng Panginoon.

Hindi kasi tayo pumapasa sa mga pagsubok niya. Oo nga’t napakarami nating nagtutulungan para sa mga nagiging biktima ng mga kalamidad, pero natatalo tayo ng kakaunting gumagawa ng masama lalo na sa mga biktima. Parang mas mabigat timbangin ang masama kesa mabuti.

Sa rami ng mga nangyayaring hindi maganda sa ating mundo, huwag na po nating palalain pa sa paggawa pa ng masama. Matakot naman tayo sa Diyos at maawa sa ating kapwa.

Yun namang pagbaha na dulot ng ulan, dapat tiyakin sa atin ng mga kinauukulan na dulot lamang ito ng malakas na pag-ulan at hindi dahilan sa pagpapakawala ng tubig ng mga dam. If you have to choose between two evils at malaking kalamidad ang idudulot kapag bumigay ang dam, still you have to give ample warnings para mapaghandaan ito ng mga tao.

* * *

Tingnan mo nga naman, sa kagustuhan ni Gerald Anderson na magawang realistic ang kanyang mga eksena sa Tiagong Akyat, hindi niya naisip na malalagay sa panganib ang kanyang buhay. Ayun naaksidente siya at kinailangang dalhin sa hospital. Mabuti na lamang at patapos na ang taping niya, ma-confine man siya, hindi na maaapektuhan ang kanyang serye.

Pinagpapahinga tuloy siya ngayon.

* * *

Huwag naman nating alisan ng karapatan si Lorna Tolentino na umibig muli. Bata pa naman siya. Ang mga anak niya paglumao’y magkakaroon na rin ng sarili nilang pag-ibig at buhay. Ayaw naman siguro ninyong makitang maiwang mag-isa si LT at nalulungkot.

Kung makakita siya ng bagong pag-ibig, bakit hindi? Hindi naman mangangahulugan ito na nakalimutan na niya si Daboy. Maski naman si Daboy matutuwa rin na hindi malungkot ang kanyang biyuda, lalo’t malalaki na ang kanilang mga anak.

Show comments