Bagong Sigla para kay Ondoy

MANILA, Philippines - Suportado ni opposition Sen. Francis Escudero ang Bagong Sigla fundraising concert para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy at Pepeng ngayong Biyernes, October 9, simultaneous sa Manila, Dagupan, Iloilo at Davao.

Ang concert ay para sana sa pagsalubong ng 40th birthday ng senador sa Sabado, pero dahil maraming biktima ang dalawang mapaminsalang bagyo, ginawa na lang itong isang fundraising event.

Ang Manila concert ay gaganapin sa Liwasang Ulalim sa Cultural Center Complex na pangu­ngu­nahan ni Bamboo kasama sina Miguel Escueta at ang Chicosci.

Kasama naman sa front acts ang mga local bands sa tatlong iba pang urban centers, ang Imago sa Dagupan, Cueshe sa Iloilo at ang SpongeCola sa Davao.

Para makapasok ng libre sa concert, magdala lang ng kahit anong puwedeng i-donate, tulad ng pagkain, damit, bottled water at gamot. Makakatulong ka na, may libreng concert pa.

At kung nalimutang magbitbit ng kahit ano, magbigay lang ng kahit magkanong halaga para sa Bagong Sigla fund drive. 

Show comments