Startalk may pitong pasasabugin

MANILA, Philippines - Bawat taon, napupunan ng Startalk ang pananabik ng publiko sa fresh showbiz scoops at walang takot na mga opinyon sa celebrity issues kung kaya naman hawak nito ang trono bilang pinakamatagal na showbiz talkshow sa bansa.

Ngayong October, sa pagdiriwang ng ika-14th year ng show, magiging seven times happy ang mga manonood dahil maghahandog ang Startalk ng pitong Xclusive, Xplosive at Xtreme stories sa local entertainment scene!

Tiyak na sasabog ang maiinit na issues na ito dahil ang Fab Four na kinabibilangan ng respetadong editor na si Ricky Lo, entertainment editor at talkshow host na si Butch Francisco, entertainment guru na si Joey De Leon at ang well-loved talent manager na si Lolit Solis ay buong tapang na magbibigay ng opinyon at mag-e-expose ng mga natatagong katotohanan ng pitong nakakaintrigang issues. Dapat ding abangan ang bagong segment ng programa na tiyak na magugustuhan ng mga manonood.

Siyempre, hindi makukumpleto ang excitement ng hapon kung wala ang mga popular at regular segments ng show! Nangunguna rito ang T! The Tigbak Authority; Da Who, kung saan ang mga nakakalokang mga blind items ay hihimayin at uusisain; at Chicka-Picka, ang halu-halong entertainment news na pinagsama-sama.

Abangan ang lahat ng ito kasama ng iba pang sorpresa sa Startalk ngayong October at maging seven times happy! 

Show comments