FAMAS walang makuhang sponsors

Dahil sa hirap ng panahon ngayon, nahihirapan ang FAMAS na kumuha ng mga sponsors para sa idaraos nilang awards night sa October 18 sa Casino Parañaque. Para ma-cover ang event, iimbitahin na lamang ng FAMAS ang mga network na gustong mag-cover ng kanilang event. Kahit wala ngang TV coverage. Malagay man lamang sa news, okay na sa kanila.

* * *

Binabati ko ang Star Cinema sa sunud-sunod na tagumpay ng kanilang mga pelikula, most especially yung In My Life nina Vilma Santos, Luis Manzano, at John Lloyd Cruz.

Bukod sa tagumpay sa takilya na tinatamo nito sa ibang bansa, nagagawa pang makapag-uwi ng mga producers and stars ng mga donations for the victims of typhoon Ondoy.

Sana maging big hit din ang ginagawang pelikula nina AiAi de las Alas with former president Joseph Estrada. Ewan ko lang kung maipalalabas pa ito dahil tatakbo sa pagka-presidente si Erap.

* * *

Huwag naman pagbintangang nagpapakitang tao lamang yung mga stars na tumutulong sa typhoon Ondoy.

Talagang bukal sa puso nila ang pagtulong at hindi lamang sila tumutulong, nagbibigay din sila ng donasyon mula sa kanilang mga bulsa.

Huwag nang maghanap pa ng kapintasan sa ating mga kapwa sa kanilang paggawa ng mabuti. Ang dapat nating gawin ay magtulung-tulong tayong lahat, artista man o hindi.

Dun naman sa mga perang nalikom, baka puwedeng itulong na lang sa pagpapagawa ng mga matitirhan nila.

* * *

Sana gumaling agad ang father ni Imelda Papin who had to be rushed to the hospital, kaya kung gusto n’yong mahagilap ngayon ang dating jukebox queen, andun siya sa Philippine Heart Center at nagbabantay ng father niya na who is on his way to recovery.

Hindi tuloy makaalis si Imelda for the US. Babalik na lamang siya mga last day of November to promote her concert with Melissa Manchester bago mag-Pasko.

Show comments