Gustong mag-presidente haharap sa 100 opisyal sa ANC

MANILA, Philippines - Sa unang pagkakataon, sasagutin ng apat na presidentiables ang mga katanungan ng 100 opisyal ng gobyerno mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ngayong Martes (Oct. 6), 9 a.m., live sa ABS-CBN News Channel (ANC SKYCABLE 27).

Panoorin ang pagharap nina Sen. Noynoy Aquino, Sen. Chiz Escudero, Defense Sec. Gilbert Teodoro, at Sen. Manny Villar sa mga tanong ukol sa mga isyu sa bansa, usaping otonomiya, at ang kalakaran sa mga lokal na pamahalaan.

Tinatayang 100 opisyal mula sa mga lokal na gobyerno ang magtatanong sa forum na itinaguyod ng Galing Pook Foundation, Institute for Popular Democracy, Synergeia Foundation, Inc., Ateneo School of Government, at Local Governance Support Program ng ARMM.

Ipapalabas ang forum ng live mula sa Asian Institute Management campus sa Makati.

Show comments