^

PSN Showbiz

Plano na sanang ibenta? Bahay nina Raymart at Claudine naunahan lang ng baha

PERUSE ME - Ronnie Carrasco -

Malaking bahagi ng panayam ni Lhar Santiago para sa mga news programs ng GMA 7 kay Raymart San­tiago ang hindi umere, parti­kular na ang rescue effort ng aktor sa kanyang mga kapitbahay sa Loyola Grand Villas na malapit sa Marikina River.

Well, in TV, you have time constraints to contend with. Ngunit ang bottomline pa rin ng inter­byung iyon ni Kuya Lhar ay sumentro sa kaba­yanihan ni Raymart na ipinamalas niya sa pamamagitan ng kanyang hu­say sa paglangoy.

Pero gaano katotoo na bago pa man binayo ng bagyong Ondoy ang bansa, pinlano nang ibenta ng mag-asawang Raymart at Claudine Barretto ang kani­lang tahanan sa naturang subdivision?

Bukod sa pagiging rescuer, mas nauna nga bang luku­ban ng ESP si Raymart sa kasasapitan ng kanyang tini­tirhan? At malas nga lang na naunahan siya ng hagu­pit ng Ondoy para ibenta sana ang property nilang iyon sa mas mataas na halaga.

***

Stage wife na kung stage wife, pero nanunuot din sa kalamnan ni Andeng Bautista, butihing maybahay ni Rizal Governor Jun Jun Ynares, ang kalbarong sinapit ng kanilang mga nasasakupan.

“Please pray for our constituents,” ito ang umaalingawngaw na text message ng nakababatang kapatid ni Senador Bong Revilla sa inyong lingkod, kasagsagan iyon ng mapaminsalang Ondoy. Reply iyon ni Andeng sa aking text message kung paanong pinag­hahandaan ng lalawigan ng Rizal ang pagre­responde sa kanilang mga ma­mamayan.

Kaso, sa kalagitnaan ng relief/rescue operations, isang radio broad­caster ang nam­bastos kay Jun Jun. On board, sinabihan nitong walang kuwentang kausap ang gobernador. Ilan na sa aming hanay sa print media ang nagkundena na sa walang-respetong asal na iyon.

Radio, being a non-visual medium, is an easier means to get away with discourtesy. Ibu-button mo lang ang off-mic sa console, at puwede ka nang magpakawala ng mga mura: From English to Taglish to stylish.

Kung ang mismong misis na ni Jun Jun ang umaapela para sa kaligtasan ng mga taga-Rizal, paanong walang kuwentang kausap ang tinitirang gobernador?

***

Sa aspetong paggalang sa kanyang mga panauhin ang ikinagusto ko kay Janice de Belen who hosts a cooking show (Spoon) on Net25.

In a recent episode ay guest niya si DJ Mo Twister who introduced his own version of French toast. Habang iminumuwestra nito kay Janice kung paano iyon inihahanda, tinanong siya kung bakit lagi na lang itong nasasangkot sa mga kontrobersya lately, without the host having to enumerate kung anu-ano ang mga iyon.

Sagot ni DJ: “I wanna change the culture (in showbiz).” Paano raw? Susog ni Janice. Iginiit naman ni Mo ang kanyang opinyon, na bagama’t nakataas-kilay ay hindi na nakipagtalo pa si Janice.

ANDENG BAUTISTA

CLAUDINE BARRETTO

FROM ENGLISH

IYON

JANICE

JUN JUN

ONDOY

RAYMART

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with