Expired biscuits ipinamigay ng organisasyong may koneksiyon sa showbiz!

Hindi pala nakaligtas sa baha dahil sa bagyong Ondoy ang mga in-laws ni Sen. Chiz Escudero.

Kaya ang ending, sa townhouse umano ni Sen. Chiz sa Quezon City nag-evacuate ang kanyang mga in-laws na kasama sa libu-libong sinalanta sa Marikina.

Actually, sa Twitter account ni Sen. Chiz ko unang nalaman ang nangyari sa kanyang mga biyenan.

Grabe ring mag-update sa Twitter ang senador. Kahit ang relief efforts niya sa mga binaha, uploaded sa Twitter.

At in fairness ayon kay IL, friend ni Chiz, ayaw daw i-broadcast ng senador kasama ang Team Chiz ang pagtulong sa mga nasalanta. “This is not the time for politicking,” say daw ni Papa Chiz.

Anyway, kung sabagay, wala talagang pinalampas si Ondoy.

Ang kasamahan sa panulat na si Tito Ed de Leon, nilubog din ang tinitirhang bahay.

Walang natira sa kanyang collection ng mga Coke items.

Kahit ang mga koleksiyon niya ng mga Santo ay mangilan-ngilan lang ang naisalba.

Grabe. At ang the height, hindi pa siya nakakabalik sa kanyang bahay dahil hindi niya naman malinisan dahil hanggang ngayon, hindi pa bumabalik ang supply ng tubig sa nasabing lugar.

’Kaloka.

***

At least pinatunayan ng Mang Inasal na right choice si Mark Bautista na maging endorser nila.

Just a month after he signed up with the food chain, mas nadagdagan pa raw ang mga customers nila.

Edgar “Injap” Sia II, the man behind Mang Inasal, is impressed. “I knew Mark will help boost our restaurant so much,” he says. “Mark and Mang Inasal have many things in common. We celebrate the family and good food. We know how much Filipinos love getting together over sum­ptuous food while ex­changing stories with each other.”

Mark, for his part, feels grateful.

“I’m happy I am play­ing a part in helping a restaurant that stands for good food and family togetherness,” he re­marks in his trademark humility.

At the rate things are going, ang pinaplano ni Mr. Sia na magtayo pa ng 43 more branches ngayong taon and another 100 by 2010, seems to be a done deal.

Ito ang first endorsement ni Mark at bongga, naglalakihan ang billboard niya at print ads.

Ibig sabihin, sure na mari-renew ang kontrata niya as endorser.

Naalala ko lang ang isang aktres na endorser ng damit na hindi gaanong naging effective as model ng nasabing produkto. Kaya ang ending, hindi pa natatapos ang kontrata niya, pinalitan na siya ng may-ari. Kumuha ng bago para mag-endorse ng produktong damit nila.

***

Nagrereklamo ang isa kong kaopisina. Expired daw ang mga biscuits na ipinamigay sa kanilang lugar ng isang organization na may connection sa showbiz.

Sarap na sarap pa naman daw ang mga neighbors nilang kumakain ng mga biscuits na nakuha nila dahil nga naghihintay lang ang karamihan sa lugar nila sa mga relief goods na ipinamimigay ng nagmagandang loob.

Pero imbes daw na matuwa sila at magpa­salamat, bigla silang nag-alala na baka imbes na mabusog eh sumakit ang tiyan nila.

Ang mga biskwit ay parang imported na may “berry” ang tatak at naka-imprenta ang 250909.

Naku, dapat i-check ng nasabing organization na malaki ang connection sa showbiz ang ipinamimigay nilang relief goods.

Malamang na-overlook. Pero baka imbes na nakatulong sila, baka magkasakit pa ang binigyan nila, panibagong problema na naman.

Show comments