May nagkuwento sa akin tungkol sa dialogue ni Ruffa Gutierrez nang maging contestant ito sa Wowowee noong Sabado.
Nagsalita raw si Ruffa kay Willie Revillame na kung liligawan nito si Lorna Tolentino, ako muna ang dapat ligawan ni Willie. Bigyan niya ako ng cash!
Tumpak si Ruffa. Ako muna ang dapat suyuin ni Willie. Ewan ko lang kung mabili pa niya ang jet plane na kanyang binabalak bilhin.
Haharbatan ko siya nang haharbatan ng cash na ibibigay ko naman sa biktima ng Ondoy.
* * *
Hindi lang pala si Cristine Reyes ang artista na nakatira sa Provident Village sa Marikina City dahil dito rin daw naninirahan si Angel Aquino at ang Starstruck Avenger na si Vaness del Moral.
Na-trauma na si Vaness dahil lumubog din sa baha ang bahay nila sa Provident Village. Naghahanap siya ng malilipatan.
Walang balita tungkol kay Angel Aquino. Hindi pa siya nagsasalita tungkol sa experience niya nang lumubog sa baha ang village na tinitirhan niya.
* * *
Type n’yo ba na magkaroon ng malalaking billboard? Puwes, matutupad na ang inyong pangarap dahil sa Picture Flawless project ng Flawless.
Nakipag-lunch ako kay Rubby Sy noong isang linggo dahil ikinuwento niya sa akin ang mechanics ng contest.
Si Rubby ang owner ng Flawless, ang pinaka-affordable na beauty clinic sa buong bansa.
Magsisimula sa October 8 ang Picture Flawless at magtatagal ito hanggang sa December 8, ang 8th anniversary ng Flawless.
Madali ang pagsali. Bawat pasyente, babae at lalake, na may minimum purchase na P1, 800 sa Flawless ay eligible sa photo pass sa walong photo-shoot booths na matatagpuan sa SM Malls (SM Megamall, SM North Edsa, SM MOA, SM Manila, SM Lipa, SM Bacoor, SM Pampanga at SM Cebu).
Puwede rin silang magpakuha ng litrato sa mga Kodak branch na ka-join din ng Flawless sa Picture Flawless.
Ang 18 contestants na pipiliin ng panel of judges ang magiging semi-finalists. Ang mga texter naman ang pipili sa isang babae at isang lalake na karapat-dapat mag-win.
Endorsement deal sa Flawless at P800,000 ang mga premyo na matatanggap ng mga mananalo. Makeover package at beauty getaway ang mga premyo na matatanggap ng lucky texter. Kung hindi ako nagkakamali, biyahe sa abroad ang beauty getaway ang tinutukoy ni Mama Rubby.
At ang pinaka-importante, mapupunta sa mga biktima ni Ondoy ang one percent ng total sales at proceeds ng Picture Flawless campaign ng Flawless.
Ito ‘yung ina-announce noon ni Richard Gutierrez sa Thanksgiving presscon ng GMA Films dahil nakaligtas sila ni Cristine Reyes sa panganib na hinarap nila.
* * *
Makakatulong ni Mama Rubby sa promo ng Picture Flawless ang mga endorser ng Flawless, sina Richard, Judy Ann Santos, Mark Herras, Yasmien Kurdi at Lorna Tolentino.
Magkakaroon ng big launch ang Picture Flawless. Ito na ang pagkakataon ng mga ordinaryong tao na magkaroon ng sariling billboard at take note, walang age limit. Maliban sa mga celebrity, puwedeng sumali ang mga bata at matatanda.