Pagaspas ng ulan mas malakas kesa palakpakan kina Aljur at Kris

Ang tinutukoy ko’y ang kasado na sanang promo guesting nina Aljur Abrenica at Kris Bernal para sa kanilang movie. Pero nagsilbi namang prelude sa pag-iingay ng kanilang loveteam ang kanilang recent exposure sa Bench’s newest image models ng Black Raw OJ jeans nito.

Naging saksi na rin ako sa ilang mall events staged by Bench, but that of Aljur and Kris’s was the lukewarmest. Save for Aljur’s body na talaga namang winner, mas malakas pa ang pagaspas ng ulan sa labas ng Trinoma kesa sa inaning palakpak at tili para sa tambalan nila ni Kris.

At puwede ba, will somebody please train Kris on proper ramp modelling?

* * *

Isama na rin ba ang commercial endorsement ni Marian Rivera sa Darna? How many more kaya ang susunod sa latest niyang ad (with Dingdong Dantes) na canned corned tuna ang ipapasok sa kuwento ng kanyang paglipad?

Isang imposing billboard kasi ang nadaanan ni Darna sakay si Ding sa himpapawid. Sumentro ang dayalog sa pagkalam ng sikmura ni Ding at ang trip nitong lantakan ang naturang de lata, at pagsang-ayon din ni Darna na ramdam din ang gutom.

Aba, dapat may talent fee rin si Robert Villar (Ding), huh!

’Pag gusto kaya maglasing ni Darna na sawi sa pag-ibig kay Eduardo, tunggain niya kaya ang paborito kong beer?

* * *

Kung paanong ayon mismo kay Gladys Reyes ay iniligtas siya ng kanyang taimtim na panalangin (para matunton ng mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos in her Cainta residence), dalangin ko rin na nakahanap na ang maybahay ni Christopher Roxas ng matitirhan kahit isang buwan man lang.

That much time ang kailangan ni Gladys upang ayusin ang napinsalang tahanan nila, katas ng kanilang pinagpaguran all these years.

At alam n’yo ba na maliban sa mangilan-ngilang mahahalagang bagay na naisalba ni Gladys, tiniyak niya na ligtas ang kanilang wedding ring? (Pero teka, hindi ba’t suut-suot naman niya ito at imposibleng humulagpos sa kanyang daliri?).

* * *

Tuloy ang buhay sa All Star K! mamayang gabi habang kikitil ng buhay ang mag-inang Mommy Caring at Aiza Seguerra sa episode, tampok ang mga magkakapatid at magkakamukha sa showbiz.

Battling for the one-million jackpot prize at stake ay sina Rachel at Nino Alejandro, Chariz at Bobby Solomon, Ryan at Paulie Yllana, Carlo at Nikki Guevarra, Jeffrey at Arnee Hidalgo, Nikki at Kaye of Survivor Season 1, Jay at PJ of Are You the Next Big Star?

Show comments