Mga biktima ni Ondoy pinasasaya ng mga artista

Birthday ko ngayon. Happy ako huwag n’yo lang itatanong kung how old ako. Sorry, my lips are sealed.

I’m sure magugustuhan n’yo yung mga pinaplanong birthday celebration ko sa Walang Tulugan. Aba matagal yata itong pinaghandaan ng staff ng show kaya huwag kalimutang panoorin.

Birthday wish ko na sana kumonti na ang kalamidad. Di ko mahiling na mawala na completely dahil parang imposible na yun. Mabawasan na lamang at sana mapaghandaan ito ng ating mga kababayan, lalo na ng ating pamahalaan na siyang inaasahang makakatulong ng malaki sa mga nasalanta.

* * *

Tama yung desisyon ni Ogie Alcasid na tigilan na muna yung pagganap sa role ng mga babae. Baka after Yaya and Angelina movie ay sawaan na sila ng manonood.

* * *

Talaga bang naghanda na ang mga tao para kay Pepeng? Nagpapunta ako ng tao noong Biyernes sa supermarket pero, umuwi siyang walang nabiling baterya, yung para sa flashlight. Okay nang sold out ang mga baterya dahil gamit ito sa mga emergencies, pero, ipaliwanag n’yo sa akin kung bakit walang mabiling patis? Yes, yung pantimpla sa mga lutuin at gamit na sawsawan? Pati ba naman sa patis nagkakaubusan?

Sa paghihintay kay Pepeng, biglang lumabas ang mga pinakatatagong ipon ng maraming tao. Katuwiran nila ma-stranded man sila, may lulutuin kahit papaano. Hindi na sila aasa pa sa mga relief goods na mahabang oras pinipilahan bago ka makakuha.

* * *

Sa nagaganap na kalamidad, biglang tumamlay ang showbiz. Pero hindi ang mga artista na saan man pumunta para tumulong sa pagbibigay ng relief goods ay nakakapagpalabas ng ngiti sa sinumang malungkot na tao.

Malaking bagay yung pamamahagi ng tulong ng mga celebrities, nakakapag-pasaya sila. Meron pa nga na habang nakapila ay kinakantahan o kinukuwentuhan ng artista. Meron ding mga repacking centers na pinasaya ni Gary V ang mga volunteers sa pamamagitan ng pagbibigay ng inspirational words at pagkanta. Ganung malilit na bagay ay malaking tulong na sa mga pagod ang isip at katawan.

Show comments