Richard ipinasasa-Diyos na lang ang mga naninira
Nakiusap si Richard Gutierrez na sana’y huwag ma-misinterpret ng mga tao ang ginawa niyang pagre-rescue kay Cristine Reyes na bahagi ng kanyang promo para sa pelikulang Patient X ng GMA Films at Viva Films.
“Nakakalungkot naman na ang pagtulong mo sa kapwa ay iniintriga pa. Ipapasa-Diyos ko na lang ang mga naninira at hindi ako titigil sa pagtulong, gayundin sa pagsulong sa kalinisan ng kapaligiran,” sabi ni Richard.
* * *
Hindi kami magtataka kung bakit bukod sa pagiging magaling na singer ay magaling ding umarte si Gian Magdangal na kasama sa Rosalinda. Noong nasa Amerika pala ito ay nahasa rin sa entablado kaya natural ang akting.
Wala siyang masabi sa mga kasamahan sa soap opera lalo na kay Carla Abellana na down-to-earth at hindi prima donna kahit siya ang bida.
Ang inspirasyon niya ngayon ay ’di lang ang asawang si Sheree kundi gayundin ang anak na si Gian Haley na isang taon at tatlong buwan na ngayon.
* * *
Speaking of singers, nakilala namin si Michelle na nagtapos sa UST Conservatory of Music at dating miyembro ng 14K. Nag-put up ito ng Stardev Music School sa Parañaque City para magturo sa mga special kids. Siya ang kauna-unahang singer na nag-enroll sa pamosong studio ni Seth Riggs at siya ring music teacher nina Diana Ross, Barbara Streisand, at ang yumaong si Michael Jackson.
May album na siya na naglalaman ng mga revivals of songs na Ocean Deep ang carrier single. Nagkaroon na rin ng concert si Michelle sa Music Museum at Teatrino.
- Latest