Sa November 14 pa ang fund-raising concert na Kaya Natin Ito na gagawin sa Araneta Coliseum para sa mga biktima ng Ondoy, pero ipinapasulat na ni Ogie Alcasid dahil kailangan nila ng sponsors at nang magpoprodyus ng concert. Wala pang line-up ng performers at umaasa si Ogie na magsasama-sama ang talents ng ABS-CBN, GMA-7, TV5, at ibang networks para mas malaki ang malikom nila. Si Rowell Santiago ang director ng concert.
Kasunod ng concert, magpo-prodyus si Ogie ng CD na Kaya Natin Ito rin ang title at sana raw, magkaroon din sila ng video. May sinulat na ring kanta si Ogie entitled Kaya Natin Ito na ang plano niya ay kantahin ng maraming singers. Si Ogie rin sa tulong ni Janno Gibbs ang composer ng I Will Be na ginamit na theme song ng Channel 7 sa pinapalabas na footages ng mga nasalanta ng Ondoy.
Kuwento ni Ogie, tumawag sa kanya si Michelle van Eimeren nang mapanood sa news ang nangyari sa Metro Manila. Nag-aalala ito’t nagkaka-flash flood din sa Australia. In-explain daw niya sa ex-wife ang nangyari.
Samantala, ayaw mang magsaya, natutuwa at nagpapasalamat si Ogie sa mga nanood ng Yaya and Angelina : The Spoiled Brat movie nila ni Michael V. Parang malabo sa ngayon na magkaroon ng sequel ang movie dahil sabi ni Ogie, napagod siyang umarteng nakaluhod sa pelikula. Kaya sa Bubble Gang na lang mapapanood sina Yaya at Angelina dahil magtatapos na rin ang Hole in the Wall sa October 16.
“Angelina and her yaya will be saying goodbye for awhile. Nakakapagod gawin ang characters namin ni Bitoy, pero may mga bagong karakter kaming kino-conceptualize at gusto ko, pareho kaming lalake ni kami ni Bitoy,” sabi ni Ogie.
* * *
Isa si Joseph Bitangcol sa mga artistang lubhang naapektuhan ng bagyong Ondoy dahil lahat nang naipundar nila’y mabilis na naglaho nang lumubog sa baha ang bahay nila sa may Cainta. Bale ba’y kalalabas lang ng kanyang ama sa hospital dahil inatake sa puso at paralisado na ang kaliwang bahagi ng katawan.
Pino-problema rin ni Joseph ang mga damit na gagamitin sa continuity scene niya sa soap ng ABS-CBN na Nagsimula Sa Puso at sa Tiagong Akyat dahil lahat ng damit niya’y nababad sa putik at ‘di na mapakikinabangan.
Kakausapin ni Chino Sarenas, road manager ni Joseph ang staff ng dalawang shows para matulungan ang actor dahil talagang wala nang mapakikinabangan sa kanyang mga damit.
Magsisimula uli si Joseph at pasalamat na lang ito na may dalawa siyang shows dahil kung wala, lalo siyang mahihirapan.
* * *
Hindi nabalita, pero namigay din ng relief goods, kabilang ang damit, balde, at pagkain si Katrina Halili sa Marikina noong Lunes at isusunod niyang mag-distribute ng relief goods sa Taytay. Kahit si Francine Prieto na dumaan sa malaking gastusin sa pagkakasakit ng ina, nag-donate rin ng cash sa GMA Kapuso Foundation at nag-distribute ng relief goods kasama si Chynna Ortaleza.
Ang grupo nina Mark Herras, Ranier Castillo, Mike Tan, Yasmien Kurdi, at ibang kaibigan, gumastos ng sarili at nanghingi ng donation sa mga kaibigan pambili ng goods na ipinamigay nila sa mga biktima ng bagyo. Ayaw nang ipasulat nina Mark kung saan sila nag-distribute ng relief goods, pero may nagbalita sa aming sa isang bayan sa Bulacan sila pumunta.
Lahat nasa helping mode at parang hindi in ang hindi nagko-contribute mapa-pera man o manpower para sa mga nasalanta ng Ondoy.
* * *
Ngayong Sabado matutuloy ang second elimination ng Celebrity Duets 3 na hindi natuloy noong September 26 dahil sa bagyong Ondoy.
Sina Gina Alajar, Nonito Donaire, Jr., Joel Cruz, Maxie Cinco, Niccolo Cosme, Akihiro Sato at Jomari Yllana na lang ang naiwang magpapagalingan sa performance at sa kanila pipili ang viewers nang mananalo.
Sina Verni Varga, Wally Bayola, Tuesday Vargas, Anton Diva, Kris Lawrence, Geoff Taylor, at Rachel Alejandro ang makaka-duet ng seven remaining contenders. Para sila’y iboto, text DUETS <space> name of contenders and send it to 367 or Smart and Talk N’ Text and 2344 for Globe, Touch Mobile and Sun subscribers.