House Life may bagong oras

MANILA, Philippines -  Espesyal ang episode ng

House Life

ngayong Sabado ng gabi dahil sa tatlo ang ipagdiriwang ng programa : ang bago nitong time slot, birthday ni co-host

Tristan Jovellana,

at ang first year anniversary ng programa.

Para sa anniversary, naghanda ng major house make-over ang House Life para sa avid viewer na si Nornelyn Cachuela. Ngayong Sabado, makikita na ni Nornelyn at ng kanyang buong pamilya ang bago niyang tahanan.

Bida rin sa episode ang co-host na si Tristan Jovellana, na nagdiriwang ng kanyang birthday, at ang isang authentic na bahay-na-bato na nasa gitna ng siyudad.

Huwag palampasin sa bago nitong time slot – Sabado, 8:00 pm – sa Q Channel 11!

Show comments