MANILA, Philippines - Habang tumatagal ay mas lalong nagiging kapana-panabik ang mga tagpo sa Stairway to Heaven. Tulad na lamang sa mga eksenang mapapanood bago magtapos ang ika-tatlong Linggo ng Stairway to Heaven, magkakaroon ng pa-contest ng mural painting si Dingdong Dantes (Cholo) sa amusement park.
Makikita ito ni Rhian Ramos (Jenna) at pupunta rito sina Jenna at Badet (Karen delos Reyes) at balak isali si Charlie (TJ Trinidad). Dito ay muntikan na silang magkikita nina Maita (Jean Garcia) at Eunice (Glaiza de Castro).
Bagama’t tatlong linggo pa lamang umeere sa primetime ang Stairway to Heaven na napapanood after ng Darna, marami na ang nagsasabi at nagbibigay ng kani-kanilang review isa ito sa may pinaka-magandang naging Pinoy adaptation among the Korean series.
Sa serye rin na ito lalong nabibigyan pansin at napapatunayan ang intensity at lalim ng acting ni Dingdong.
Definitely, naipakita ni Dingdong ang kanyang lalim sa pag-arte.
On Dingdong’s part, dahil na rin daw sa mga nakakarating sa kanilang magagandang review at comments about their series, mas lalo raw itong nakakapagbigay ng inspirasyon sa kanya na mas lalo pang ibigay ang best at mas lalo pang pagandahin at i-elevate ang pag-a-adapt ng Pinoy sa ilang seryeng minahal na ng husto noon pa man tulad nga ng Stairway to Heaven.