Ogie At Regine isang truck ang donasyon sa mga biktima ni ondoy

Seen : Charity begins at home. Ang pagtulong ng GMA 7 sa mga empleyado na biktima ni Typhoon Ondoy

Scene : Truckload ang donasyon nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa mga residente ng Pasig City. Nagpapasalamat sila kina Ogie at Re­gine.

Seen : Needs improvement ang acting ni KC Concepcion sa Lovers In Paris ngunit kahanga-hanga ang pagtulong niya sa flood victims.

Scene : Ang fund raiser concert ng mga artista sa NBC Tent sa October 7 para sa Ondoy victims. Magiging fund raiser na rin ang na-postpone na concert ni Katy Perry sa Mall of Asia Concert Grounds.

Seen : Sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Cainta, Rizal kahapon. Namigay sila ng relief goods.

Scene : Ang fund raiser-concert ng OPM para sa mga biktima ni Ondoy. Gaganapin ang concert sa Araneta Coliseum sa November 14.

Seen : Si Ogie Alcasid sa thanksgiving presscon ng Yaya & Angelina. Hindi nakarating si Michael V. dahil may taping siya.

Scene : Ang pagtatapos mamayang gabi ng Florinda. Ang PBB ang papalit sa timeslot ng Florinda.

Show comments