Grabe na naman ang ulan kahapon. Nakakatakot. Parang nagbabanta na naman ang malaking baha.
Tsismis nga na umulan daw ng yelo sa Quezon City.
Kaya lang, wala akong nakitang yelo samantalang galing ako ng Quezon City kahapon.
Iwan ko lang sa ibang lugar sa QC.
At dahil umulan na naman ng malakas na hindi rin gaanong nagtagal noong bandang maghahapon, baha na naman sa maraming lugar kaya ang ending, grabeng traffic kahit walang pasok ang mga eskuwelahan.
Sana nga, iwasan tayo ng super typhoon na si Pepeng.
Ayon sa weather forecast, inaasahang darating si Pepeng ng bansa mamayang gabi hanggang bukas ng umaga.
Pray tayo na ‘wag tumuloy sa ‘Pinas si Pepeng.
Hindi pa nakakabangon sa matinding hagupit ni Ondoy ang marami nating kababayan.
Nag-aagawan na ang mga nasa evacuation center ng pagkain dahil kapus na kapos ang mga natatanggap nilang supply mula sa mga nagmamagandang loob na nagdadala ng pagkain at personal nilang pangangailangan.
* * *
Maraming artista ang aktibo sa relief efforts.
Kasama sina Richard Gutierrez, Cristine Reyes, Anne Curtis, Ruffa Gutierrez, KC Concepcion, Pia Guanio, Angel Locsin, at marami pang iba.
Nakita sa Unang Hirit the other day sina Richard Gutierrez and Richard Gomez na tumutulong sa paglilinis ng mga putik sa may Cainta.
Sina Anne, Angel, at Ruffa, sumama sa distribution ng Sagip Kapamilya ng ABS-CBN.
Actually, nakakabilib sila dahil kinakarir nila ang pagtulong.
Si Anne updated sa latest development sa kanyang Twitter account.
Ganundin si KC na personal ang ginagawang pagtulong.
Ang World Food Programme kung saan siya (KC) Ambassador Against Hunger ay may Help The Philippines Weather The Storm na.
Kahapon naman, nag-post si Anne ng direktiba ni President Gloria Macapagal-Arroyo na hindi puwedeng kumpiskahin at sisingilan ng buwis ng Bureau of Customs ang mga donasyon ng pagkain at kagamitan mula sa ibang bayan/bansa, basta’t naka-assign daw ito sa DSWD.
Pero nakakabilib si Ruffa na pati update ng baha ay nagti-tweet sa kanya.
Sinabi rin niya kahapon na : “I LOVE ANGEL LOCSIN! She’s one of the nicest, most hard working, unaffected celebrities I know. I wish her happiness & more blessings!”
Isa kasi si Angel sa tahimik na tumulong pati sa distribution ng mga relief goods bukod pa sa donasyon niyang P500 thousand.
Appreciated ang effort ng mga artistang ramdam ang malasakit sa mga nasalanta ni Ondoy.
Anyway, basta ang paghandaan natin ngayon ay si Pepeng.
* * *
Naka-post sa blog ni direk Yam Laranas ang article ng Associated Press na na-publish sa New York Times (dated September 28) ang pagsalba ni Richard Gutierrez kay Cristine Reyes sa Provident Village sa Marikina na titled Filipino Actor Saves Real-Life Damsel in Distress.
Pati ang photo ni Cristine sa ibabaw ng bubong nila ay na-print sa New York Times.
Hindi kasi ordinaryo ang ginawa ni Richard. Sumugod siya noong walang may lakas ng loob na sumugod sa mataas na baha at dilim ng paligid na ngayon ay ginagawan pa ng intriga ng ibang walang magawa.
Anyway, maganda ang feedback ng trailer ng movie nina Cristine at Richard, Patien X.
Parang sobrang scary at mysterious ang kuwento ng pelikula ni dinirek ni Yam Laramas.