Dasal kay Mama Mary pinakinggan: Dr. Hayden at anak ni Dra. Belo nagkaayos na

Halos atakihin pala sa puso si Annabelle Rama sa ginawang pagsugod ni Richard Gutierrez sa Marikina last Saturday night para isalba si Cristine Reyes sa mataas na baha sa Provident Village, Marikina dahil kay Ondoy.

Nawalan daw kasi sila ng communication after na umalis ng bahay sina Richard kasama ang kakambal na si Raymond at si Ruffa na kuntodo naka-outfit pa ng pang baha.

 “Pinabaunan ko pa sila ng mga pagkain kasi nga baka magutom. Si Ruffa, naka-sumbrero pa siya at raincoat, naka-rubber shoes. Talagang ready siya sa baha. Pero nakalimutan pala nila ang flashlight. Kaya tinawagan ko sila. Pinabibili ko sila ng flashlight,” recalled tita Annabelle.

Yun pala, hindi puwede ang marami sa speedboat na nahiram ni Richard sa kanyang kaibigang si Nani Pascoguin (na buti na lang at extreme sports guy). Apat lang ang puwedeng ma-accommodate nito kaya naiwan daw sina Ruffa at Raymond.

At bago pala nakaalis sina Richard at ang kaibigan niyang si Nani, inayos muna nila ang speedboat. Naghanap din sila ng life vest bago tumulak pa-Marikina kuwento ni Richard.

Si Nani ang nagda-drive ang speedboat at si Richard ang navigator.

At habang papunta raw sila roon, sumabit pa sila sa isang mahabang cable kaya akala nila ay hindi na makakarating kila Cristine.

Pinapak din daw siya (Richard) ng langgam na hindi niya alam kung saan nanggaling.

Ayon pa sa kuwento ni Richard, wala siyang takot na sumugod sa Marikina kahit zero visibility dahil sa kanyang faith. “Alam kong kahit anong mangyari, God is with me,” sabi ng aktor na ayaw na lang pansinin ang ilang taong nang-iintriga sa kanyang ginawa kay Cristine.

At dahil nawalan ng communication, sumugod ang mag-asawang Annabelle at Eddie Gutierrez papuntang Marikina. Pero ‘di na sila nakadiretso sa Provident dahil baha nga.

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang ginawang pagsagip niya sa actress. Nakarating pa ito sa international news.

Sa inis nga ni Ruffa, say nito na “evil people who are spreading LIES about my bro, Richard, makunsensiya kayo! May time pa kayo manira? VOLUNTEER,DONATE, SHARE, HELP OTHERS!”

Nga pala, may sarili palang speedboat at jetski si Richard pero sa Subic ito naka-park. Pero dahil sa nangyaring delubyo ni Ondoy, iniisip ni Richard na iuwi na ito sa Manila.

* * *

Nakaalis kahapon si Dra. Vicki Belo papunta ng Phoenix, Arizona para mag-present ng paper sa American Society of Dermatologic Surgery.

Yup, nakaalis si Dra. Belo dahil binigyan siya ng permit to travel ng Department of Justice.

Kinakailangan pa rin kasing manghingi ng permit ni Dra. Belo sa DOJ bago siya makaalis dahil sa demanda pa rin ni Katrina Halili sa kanya dahil sa sex video ni Dr. Hayden Kho.

Si Atty. Adel Tamano pa rin ang naglakad ng permit na bago rin ngayong endorser ng Belo.

Yup, siya pa rin ang legal counsel ni Dra. Belo kahit madalas na siyang nakikitang kasama ng Nacionalista Party na pangunguna ni Sen. Manny Villar.

Pero hindi kasamang umalis ni Dra. Belo si Dr. Hayden Kho.

May mga nagmamalisya na naman kasi baka kasamang aalis ni Dra. Belo ang ex niyang doctor na nag-volunteer palang sumama sa medical missions ng Belo Medical Group.

Marami kasing nakakakita sa kanila lately na magkasama na naman. Last ay sa Batangas sa Mt. Batulao noong gabi ng birthday ni Mama Mary para sa pag-apir ng Blessed Virgin sa healing event ng Canada based-healer na si Emma de Guzman.

Naramdaman ni Dra. Belo ang himala ni Mama Mary kaagad dahil after ng halos tatlong taon na hindi pag-uusap ng anak niyang si Crystalle at ni Dr. Hayden, nakita niya doon na nag-usap na ang dalawa. “For so long, pinagdasal ko ‘yun. I want peace for the family,” sabi ni Dra. Belo.

Sabi raw ng anak niya after na magka-usap sila ng dating karelasyon ng doktora, “she said, bahala na ang Diyos.”

Pero hindi raw totoong nagkabalikan sila ni Dr. Hayden. Mananatili raw itong kaibigan niya.

Nang papiliin nga siya (doktora) kung anong mas gusto niya – doctor o abogado?

Abogado ang pinili niya. Meaning si Atty. Tamano na para sa kanya ay ideal guy.

Pero may asawa na kasi si Atty. Tamano na kahit puwede sanang mag-asawa ng hanggang apat ay ayaw daw niya dahil tiyak may mapuputol sa kanya.

Sumagot naman si Dra. Belo. Madali raw ikabit kung anuman ang mapuputol sa abogado.

Anyway, kung napansin n’yong lalong naging yummy ang hitsura ni Atty. Tamano, yun ay dahil regular na siyang nagpapa-Belo.

* * *

Patalbugan ang mga artista ngayon sa pagtulong ng mga artista sa mga sinalanta ni Ondoy : Kapuso o Kapamilya man.

Maraming Kapuso stars ang nagpunta sa GMA Network bilang mga volunteers   simula pa noong Linggo. Nagsilbi silang telephone operators at repacking volunteers para sa GMA Kapuso Foundation Operation Bayanihan : Typhoon Ondoy.

Kasama sa mga Kapuso stars sina Lucy Torres-Gomez, Marvin Agustin, Iza Calzado, Mark Herras, Eula Valdez, Ryza Cenon, Aljur Abrenica, Kris Bernal, Isabel Oli, Benjie Paras, Arnell Ignacio, Maverick, Butch Francisco, Sherilyn Reyes, Prince Stefan, Stef Prescott, Ynna Asistio, Vivo Ouano, Gino dela Pena, Jonalyn Viray, Gian Magdangal, Jay Perillo, Dulce, Mosang, at Mocha Unson ang ilan sa mga artistang nagpunta sa Ondoy Kapuso Helpline.

Ang Kapuso Helpline – na pinangungunahan ng broadcast journalist at GMAKF Executive Vice President Mel Tiangco at ng ilang mga GMA personalities tulad nila Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Arnold Clavio, at Pia Arcangel– ay nakatanggap ng mga donasyon na umaabot sa mahigit P15 million (cash at pledges), kasama na ang P1 million donation mula sa GMA Network.

Cash donations ang ibinigay ng mga Kapuso stars na sina Richard Gutierrez, Marian Rivera, Ogie Alcasid, Rhian Ramos, Mark Herras, LJ Reyes, JC De Vera, Sunshine Dizon, German Moreno, Francine Prieto, at marami pang iba.

Ang Pambansang Kamao naman na si Manny Pacquiao ay nagbigay ng P1 million cash. Nagsilbi namang mga volunteers sa repacking satellite ng GMA Kapuso Foundation’s Operation Bayanihan: Typhoon Ondoy sina boxing champ Nonito Donaire, Joey de Leon, Chris Tiu, Raymond Gutierrez, Bubbles Paraiso, Chynna Ortaleza, LJ Reyes, Michelle Madrigal, at marami pang iba.

* * *

Grabe, may ibang kuwento na naman ang nagkalat tungkol sa ipinamimigay na relief good.

Shocking : ibinibenta raw ng halagang P30 ang ilang nakukuhang relief good sa ilang lugar sa Marikina at Pasig.

Actually, mismong ang nagdi-distribute ang nakadiskubre sa bagong gimik ng mga nakakakuha ng donated good na ipinamamahagi sa kanila. (SVA)

Show comments