Mala-outreach program ang ginagawa ng produksiyon sa likod ng isang teleserye para kumbinsihin ang mga kababayan nating suportahan ito.
Tulad na lang ng nakaiskedyul na mall tour ng pangunahing cast ng soap sa bandang Bisaya kamakailan, but an “act of God” wouldn’t allow them. Nakansela ang kanilang biyahe dahil sa matinding aberya,
Obvious ang ganitong practice : kinakabog kasi ang soap na ito ng katapat na programa sa larangan ng ratings since it piloted!
Nakakalungkot, ang inaasahan pa manding ratings that would shoot up ay ilang baitang ‘di makaabante.
* * *
May violent reaction ang ilang reporter sa paraan ng pag-a-adress kay Yam Laranas bilang internationally renowed film director. Huwag na raw ang pagiging suplado nito, ibatay na lang daw sa kanyang credentials compared to his colleague Brillante Mendoza.
Sey ng isang reporter : “Kung international renown ang pag-uusapan, si Dante (pet name of Brillante) ‘yon, hindi si Yam, ‘no! Dahil nanalo nga ‘yung Kinatay ni Dante sa international film festival recently, ‘yung mga works ni Dante ang inaabangan sa abroad, hindi ‘yung kay Yam.”
Well…
* * *
Walang grade ang iginawad ng Cinema Evaluation Board (CEB) sa Yaya & Angelina The Spoiled Brat Movie. Kahit man lang gradong “C” ay hindi nito nasungkit na dapat sana’y pasang-awa na sa panlasa.