Puring-puri ni Butch Francisco ang kanyang driver kung paano nitong nalusutan ang mga baha ng kalsada mula sa tinitirhan niyang condo sa Greenhills en route to GMA 7 nitong Sabado.
Exact opposite naman ito ng nakakatawang kuwento ni Lolit Solis tungkol sa kanyang pilotong si Junior, her driver of 30 years, who chose to coast along Kamias Road sa Quezon City only to get stuck in the middle of nowhere.
Back to Tito Butch, ala-una ng madaling araw ng Sabado ay nag-panic siya sa ulan na pumapasok sa kanyang unit to think na nasa penthouse na ito. Seeing the water seeping throough, agad niyang inirolyo ang kanyang carpet.
“Naku, Ron, mga Persian rug ’yon, ’no! Ang halaga ng mga ’yon, eh half a million!” kuwento ng Startalk host of his cherished possessions. Since meron pa raw siyang trabaho kinabukasan, minabuti niyang lumaklak ng pinakamatinding sleeping drugs.
Kung dati-rati’y in the nick of time ang pagdating ni Tito Butch sa studio, miracle of miracles, siya ang unang-unang dumating na host. Sumipot lang si ’Nay Lolit more than halfway through the show, na ang hitsura’y harassed, kundi man, sexually abused.