^

PSN Showbiz

Anne Curtis nagbawas ng damit sa closet para i-donate

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

’Wag naman sanang samantalahin ng ilang pulitiko ang pagkakataong nangangailangan ng tulong ang mga kababayan nating biktima ng bagyong si Ondoy. Kung tutulong sana sila, ’wag nang ipa-press release.

Tumulong sila na hindi kailangang ipag­sigawan sa mundo na nakatulong sila.

May ilan-ilan diyan na ipinagmamalaki pa na tumulong.

Hindi ito ang panahon ng pamumulitika.

Isipin muna nila ang nakakaawang kalagayan ng marami nating kababayan na biktima ni Ondoy.

Isa pang nakakaalarmang kuwento ay ang sermon ng pari sa St. Paul last Sunday night.

Sana raw kung tutulong tayo, help them with dignity. Isipin na tao ang tinulungan natin.

Nasabi yun ni Father dahil sa previous experience nila.

Marami silang nakuhang donations. Pero ang masakit, may mga nag-donate ng expired na canned goods. Yup, you read it right. Bukod sa mga expired na de lata, naalala rin ng pari ang mga damit na gutay-gutay na halos tipong hindi na puwedeng pakinabangan.

Kaya ipinakikiusap niya na sana, magkaroon din ng dignidad ang ibang nagdo-donate.

Shocking kasi yun. Parang wala yatang konsensiya ang makakaisip na mag-donate ng expired at mga super lumang mga damit na parang pamunas na.

Ingat din sa mga account numbers for cash donations. Baka mamaya, may raket din diyan. Baka magkamali kayo ng sulat ng account number.

Ang dami ngayong nanghihingi ng kahit anong donasyon.

We never know, baka may ilang sindikato na nagkalat na nambibikti­ma ng cash donations.

May balita rin ngayon na may naka­wan na sa mga bahay na bina­ha. May mga nawawala na raw na gamit sa mga bahay-bahay na ngayon ay maputik pa rin.

Kaya nananawagan ang mga kinauukulan na sana ay magkaroon naman ng kahit konting takot sa Diyos ang mga taong nananamantala.

* * *

Shocking din ang baha hanggang last Sunday night.

Parang panaginip ang na­ kita kong na-stock na tu­big sa may area ng Quiapo papunta ng Morayta. Grabe napuno ng tubig ang ilalim ng tulay!

Hindi ko na-imagine na mangyayari yun.

Marami ring kasamahan sa trabaho ang biktima ni Ondoy.

Ang bagong bahay ni Ian Fariñas sa Rizal ay binaha.

Ang kaibigang kolumnis­tang sina Eric John Salut, Vinia Vivar, at Al­lan Diones ay binaha rin ang bahay.

Kahapon, madilim na naman ang langit. Parang lalakas na naman ang ulan.

Pray tayo na ’wag na sanang umulan ng ma­la­kas para magtuluy-tuloy ang mga rescue operations sa mga lugar na apek­tado ng sobrang baha.

* * *

Sa showbiz, maraming artista ang nag-unite para makatulong sa relief operations ng ABS-CBN at GMA 7.

Kanya-kanya sila ng pag-donate — in cash or in kind.

Si Anne Curtis, binawasan ang mga damit sa closet para ipamigay sa mga biktima.

Si KC Concepcion, Pia Guanio, Ruffa Gutierrez, Mikee Cojuangco, at marami pang iba ay tumutulong para sa mas marami pang donation ng relief goods.

ANNE CURTIS

ERIC JOHN SALUT

IAN FARI

ISIPIN

KAYA

MARAMI

MIKEE COJUANGCO

ONDOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with