101.9 may kakaibang magaganap

MANILA, Philippines - Maraming nakapansin na sa nakaraang araw sa mga masugid na tagapakinig ng 101.9 na tila nananahimik at may kakaiba sa mga DJ’s nito.

Nang kunin ang pahayag ni DJ Laila, host din ng late night interactive program na Games Uplate Live, mailap itong sumagot at pinabulaanan lahat ng haka-hakang iniisip ng mga tagapakinig.

“I’m not in the position to speak right now pero masasagot ang lahat ng katanungan na iyan sa October 1,” sabi ni Laila sa isang text message.

Ano nga kaya ang mangyayari? Magkakaroon ba ng rigodon sa Kapamilya radio station? May mga bagong DJ’s bang dapat kilalanin at abangan? Gaano katotoo na mamamaalam na ang matagal na tinangkilik ng sambayanan na 101.9 For Life?

Wait tayo sa October 1.

Show comments