Boy Abunda dalawang bahay ang ibebenta

Isang Linggo nang nakabalik si Willie Revillame sa kanyang noontime program, but sadly, ang inaasahang pag-arangkada nito sa ratings bunga ng labis na pagkasabik (2) sa kanya ay hindi ramdam.

Consistently, mula Lunes hanggang nitong Biyernes ay hindi pa rin natinag sa puwesto ang kalaban nitong Eat Bulaga, nabalewala lang tuloy ang OA na media blitz na nag-anunsiyo ng kanyang pagbabalik.

Meanwhile, Willie should take a wise cue from Dolphy. Punto ng King of Comedy, hindi pa raw hinog ang TV host kung sakaling magpursige itong sumabak sa pulitika. Balita kasing kukupkupin ni Senator Manny Villar si Willie sa senatorial slate nito, bagay na mariing itinanggi ni Congressman Gilbert Remulla, tagapagsalita ng Nacionalista Party.

Ang totoo pala, Sen. Villar has engaged Willie’s services as his campaign manager.

To that I say : isang malaking good luck!

* * *

With the outpouring of support for presidential aspirant/senator Noynoy Aquino, aba, dapat lang niyang masungkit ang puwesto!

Take note na lang ng confluence of factors na ito to ensure his victory: ang pagbebenta ng bahay ng kapatid na si Kris para makadagdag sa campaign funds - ang pag­be­ben­ta rin ng dalawang bahay (plus ‘yung ancestral residence sa Bo­rongan, Eastern Samar) ni Boy Abunda; ang piso para kay Noy­noy na nasa lata; ang panga­ngabilang-bakod ng taga-administrasyon para sa senador; ang napisil na official spokesperson for the youth na si Dingdong Dantes; all this should translate to Noy­noy’s sure entry to the Malacanang Palace.

Show comments