Hindi ako nag-worry nang abutin ng matagal sa bubong ng kanilang bahay ang ilan nating mga artista. Alam kong matutulungan sila at maililipat sa mas ligtas na lugar. Yun nga lang, kinailangan nila ang tatag ng loob dahil maghihintay sila ng matagal. Kakaunti ang ating mga gamit para sa ganitong emergency at inuuna yung mga grabe ang sitwasyon.
Ang pinaka-grabe na puwedeng mangyari sa kanila ay magutom ng todu-todo at mabasa ng ulan pero, mas mabuti na itong nasa bubong sila kesa dun sa maraming tinatangay ng malalakas na agos kasama ng kanilang mga bahay.
Nag-worry ako nang marinig ko ang pangalan nina Cristine Reyes, Jennica Garcia, Kaye Brosas, Sylvia Sanchez na buntis na buntis at isang basketbolista na stranded sa bubong ng kanilang bahay. Natangay ako sa pag-iyak ni Cristine dahil gabi na pero wala pang dumarating na rescue. It was one time na alam kong tinatalo sila ng takot at nagdasal ako hindi lamang para sa kanila kundi sa lahat ng ating kababayan na nasa ganung sitwasyon.
Ito ang panahon para tayo magtulung-tulong. Wala naman tayong hindi malulusutan kung sama-sama tayo.
I’m sure meron kayong nakatagong pagkain, bigas, mga lumang damit na mapakikinabangan pa, mga isa o dalawang kumot na hindi na ginagamit, give na natin sa mga nasalanta. O baka may konti kayong pera, give n’yo na rin. Maniwala kayo, it will make you feel a lot better.
Salamat Pinoy.
* * *
Ewan ko sa inyo pero, ako natatawa sa Cool Center nina Anjo Yllana at Eugene Domingo. Yung dating game, kailangan ng improvement dahil marami ang nag-aabang nito. Kailangan lang sigurong bawasan ang pagiging katatawanan nito at sa halip ay lagyan ito ng konting kaseryosohan, para mas marami ang sumali. Sa kalaunan, magiging buhay din ito ng programa.
Okay yung characters nina Mr. Shibaker at Mr.Romantiko, gawin lang credible yung pagbibigay nila ng payo at pagsasabi ng mga mangyayari sa buhay ng mga callers at ang kahulugan ng kanilang mga birthday. Feeling ko kasi, ginagawa nilang katatawanan maski na yung mga bagay na seryoso.