Kenyo may Maharlika

MANILA, Philippines - Balik ang Kenyo sa eksena sa pangunguna ni Mcoy Fundales, ang singer at band leader, at kalalabas lang ng bago nilang album, ang Maharlika mula sa Universal Records.

Ang unang single na Hanggang sa Muli ay bagay na bagay sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at madalas nang patugtugin ngayon sa mga radio stations.

Ang iba pang kanta na dapat abangan sa ikalawa nilang album na may 12 tracks ay Filipina, Tadhana, Simulan na Natin, Kalayaan, Strong Man, at Someone For You. 

Ang Kenyo ay hango sa salitang Bulakenyo dahil ang limang miyembro ay mula lahat sa Bulacan. Ang iba pa sa Kenyo ay sina Ace del Mundo (guitarist), JM del Mundo (bassist), Cleng Ocampo (guitarist), at Ariz Villalon (drummer/percussionist).

Show comments