Star City araw-araw na naman bukas
MANILA, Philippines - Araw-araw nang bukas ang Star City at sa pagkakataong ito ay inihahandog nila sa publiko ang kanilang pinakabagong attraction.
Bukas na ang Laser Blaster. Ito ay isang war game experience na ang gamit ay ang pinakahuling lumabas na mga kagamitan na gumagamit ng laser technology. Grupu-grupo sila sa paglalaban sa loob ng Laser Blaster, at sa kanilang paglabas, makikita nila kung ilang puntos ang naitala ng bawa’t grupo sa kanilang laban.
Sa taong ito, dadalhin tayo ng Snow World, ang nag-iisang snow attraction sa Pilipinas ngayon sa Winter Wonderland. Tampok ang Pasko sa Pilipinas, Japan, India at iba pang mga bansa. Makikita rin ang mga nanalong ice sculptures na ginawa ng mga kasapi ng Professional Ice Sculptors Association of the Philippines. Ang mananalo sa exhibit ay ipadadala ni Thomas Choong, ang presidente ng Snow World sa taunang championship na ginagawa sa Alaska.
Hindi rin naman pahuhuli ang Dino Island. Ngayon, hindi lamang ang mga dambuhalang dinosaurs ang kanilang ipakikita kundi ganoon din ang buhay ng mga unang tao, noong panahon ng mga dinosaurs.
Bukod diyan, tampok din ang kakaibang mga shows ng Ballet Manila sa pangunguna ng prima ballerina na si Lisa Macuja-Elizalde.
Ang Star City ay bukas araw-araw mula alas-kwatro ng hapon o mula alas-dos naman ng hapon kung weekends.
- Latest