Kung hindi pa siguro si Maricel Soriano ang unang gumanap ng role na ginagampanan ni Iza Calzado sa isa sa dalawang Sine Novela ng GMA 7 na magsisimulang mapanood sa Setyembre 28, baka hindi pa gaanong mag-aalala ang tinatawag na Pinoy Hollywood actress dahil nakatakda na ring mapanood ang kanyang kauna-unahang Hollywood movie na pinamagatang The Echo.
Isa ang Kaya Kong Abutin Ang Langit sa pinakamagandang pelikula na ginawa ni Maricel nung kapanahunan niya. Ginampanan niya ang role ni Clarissa Rosales, na ngayon ay ginagampanan ni Iza, ang dukhang social climber na gagawin ang lahat para yumaman. Ipinangako niyang gagawin ang lahat para maiangat ang buhay nila ng kanyang ina (Lani Mercado) at kapatid (Angelika dela Cruz). Dumating ang pagkakataon nang ang amo ng namatay niyang ama ay nagpasyang tulungan sila.
Aakitin ni Clarissa ang mag-asawang Ralph (Ricardo Cepeda) at Monina (Pinky Amador), ituturing siya ng mga ito na parang tunay nilang anak na ikagagalit naman ng unica hija nilang si Theresa (Isabel Oli).
Gagawin ni Theresa na impiyerno ang buhay ni Clarissa. Titiisin ito ni Clarissa kapalit ng mga bagay at luho ng pinakapapangarap niya at maging ng boyfriend ni Theresa na si Daryll (Wendell Ramos).
Hindi makukuntento si Theresa.
Kasama ni Iza na gumaganap sa Kaya Kong Abutin Ang Langit sina Wendell Ramos, Bobby Andrews, Paolo Paraiso, Ryan Yllana, Victor Aliwalas, at Peter Serrano.
Thankful si Iza na napakaraming work ang ibinibigay sa kanya ng GMA 7, pati raw ang pagsasayaw ay ginagawa na niya sa SOP.
“Pero sana hindi na kami pag-awayin ni Shine. I think we should work together and not compete with each other. Mature na kami pareho at malawak na ang aming pag-iisip para patulan ang pang-iintriga sa amin at pagtatangkang pag-awayin kami. Sana, parehong maging matagumpay ang mga series namin,” sabi niya referring to Tinik Sa Dibdib na kaparehong araw ng Kaya Kong Abutin Ang Langit magsisimula ng pag-ere.
Mas ninenerbyos pa nga si Iza sa pagpapalabas ng The Echo sa mga sinehan. Ito yung pelikulang Sigaw na ni-remake sa Hollywood pero ni-retain sila ni director Yam Laranas.
“Hindi ko ma-describe ang nararamdaman ko, magkahalong excitement at pressure. Kung ako ang masusunod, huwag nang masyadong idiin pa ang pagiging Hollywood movie nito,” pakiusap niya.
* * *
Kapuso na si Rico Barrera. Kasama siya sa bagong serye ng GMA 7 na pinamagatang Tinik Sa Dibdib topbilled by Sunshine Dizon. Ka-back-to-back ito ng serye na tinatampukan naman ni Iza Calzado na magsisimulang mapanood sa Set. 28.
Alam nating lahat na isang Kapamilya si Rico, produkto ng Pinoy Big Brother pero sinabi niyang wala na siyang kontrata, isa nang freelancer. Kaya puwede nang magtrabaho kahit na sa alinmang network.
Mapayat si Rico at mas gumuwapo - produkto ng pagpunta sa gym at paglalaro ng basketball at pagti-threadmill. Sinadya niyang magpapayat para makakuha pa ng mas maraming projects.
Nag-audition siya para makuha ang kanyang role sa Tinik… At kahit bago pa sa Siete ay masaya siyang winelcome ng mga Kapuso stars.
“Thankful ako sa ABS-CBN sa ibinigay nilang opportunity sa akin. May bagong opportunity lang na offered ang GMA 7 kaya sinubukan ko. I hope to still work with ABS-CBN and other networks.
Hindi lamang ang work ang nagbibigay ng inspiration kay Rico sa bago niyang bahay.
“Crush na crush ko si Marian Rivera since Marimar pa. Nakalagay ito sa vision board ko.
Ngayong nandito na ako sa GMA, sana makatrabaho ko siya.