Kristine at Cristine 'di tinatantanan ng intriga
It’s unfortunate na habang nagtatagal sa kanilang career ang dalawang Cristine (Reyes at Hermosa) ng ABS-CBN ay hindi titigil ang intriga tungkol sa kanila. May pinagbabatayan man ang sinasabing katarayan ng dalawa, mas titindi pa ito at babalik-balik tuwing magkakaroon sila ng proyekto.
Si Kristine Hermosa, ngayong nagpapakita na naman ng husay sa Dahil May Isang Ikaw ay inuungkat na naman at binubuhay ang sinasabing katarayan niya na ugali na ipinupukol sa kanya nung nagsisimula pa lamang siya at hanggang ngayong bumibilang na ng maraming taon bilang artista.
Si Cristine Reyes, hindi ko malaman kung dapat ba niyang ikatuwa na hindi siya nanalong best actress sa Korea at ang Eva Fonda lamang ang nanalo dahil kung hindi, gugulo na naman ang nananahimik niyang buhay.
Hindi lamang naman sa ‘Pinas may pasaway na artista. Maski na sa abroad, meron din nito.
Kailan ba mataray ang isang artista? Kapag ipinagtanggol ba niya ang sarili ay mataray na siya? Kapag nagreklamo ba siya ay mataray na siya? Dapat bang tanggapin na lamang niya ang lahat na nakapiring ang mga mata para hindi siya matawag na pasaway? Iklaro n’yo nga sa akin dahil hindi ko alam.
* * *
Nakakatuwang malaman na kumikita ang mga movies nina Eugene Domingo (Kimmy Dora) at Ogie Alcasid & Michael V (Yaya & Angelina The Spoiled Brat). Ibig sabihin lang, tanggap ng manonood ang mga pelikulang komedi. Nakakatatlong linggo na sa mga sinehan ang Kimmy Dora samantalang parami naman ang nanonood ng Yaya & Angelina The Spoiled Brat.
Dinala ng kagalingan ni Eugene ang kanyang movie. Talagang magaling siya. Yun namang movie nina Ogie at Michael V. talagang mga bago ang katatawanan, dinig na dinig mo ang halakhakan ng manonood.
Congratulations sa kanila at maging sa mga direktor nilang sina Bb. Joyce Bernal at Mike Tuviera. Malaki ang naging bahagi nila sa success ng mga pelikula.
* * *
Mami-miss ko na ba si Jolina Magdangal? Ano na bang nangyayari sa career niya?
Kahit taga-GMA 7 ako, hindi naman lahat ng nangyayari rito ay alam ko.
Sabi nga ng mga maka-Jolina, sa SOP at Dear Friend na lamang napapanood si Jolens. Baka raw naman puwedeng dagdagan ang mga shows nito.
- Latest