Lalong lalakas ang afternoon Dramarama sa Hapon ng GMA 7 sa back-to-back premiere ng Kaya Kong Abutin Ang Langit at Tinik sa Dibdib sa Set. 28. Tampok dito ang dating magkaibigan pero, kung hindi maaagapan ay magtutuluy-tuloy na sa pagiging matinding magkaaway at magka-kumpetisyon. Sayang dahil pareho silang maganda, magaling, at asset ng GMA. Ngayon pa lamang, kahit anong deny, nila ay maari mo nang paniwalaan na nag-aaway nga sila.
May mga sinasabi sila na hindi nila nari-realize ay nagpapatunay lamang ng kasalukuyang status ng kanilang friendship. Kung hindi magawa ng dalawa na ma-bridge ang kanilang gap perhaps, their parents can help a lot. Ano ba, Lito Calzado at Dorothy Laforteza, hindi ba kayo kikilos? O baka naman pati kayo affected din?
* * *
Hangang-hanga ako kina Tirso Cruz III at Joel Torre dahil habang nagkakaedad sila ay parang lalo silang gumagaling sa pag-arte. Pati looks nila, na-preserve nila. Parang mas gumwapo nga sila nung maging dalawa ang kulay ng buhok nila. At hindi sila nagpapakulay ng buhok para itago ang edad nila. Masaya nilang tanggap ang paglipas ng panahon.
In fairness, marami tayong senior stars ang nag-improve ang looks, naging mas desirable nang magka-edad. Marami rin ang in denial sa kanilang gulang pero, yung maraming tanggap ang paglipas ng panahon ay parang mas bumata ang anyo.
* * *
Ngayong nagbalik muli sa paggawa ng pelikula si Vilma Santos, parang may effort na muling buhayin yung rivalry nila ni Nora Aunor. Nung media launch ng Kaya Kong Abutin ang Langit at Tinik sa Dibdib, nakita ko ang isang grupo ng entertainment press na nagpapasiklaban sa kung sino kina Vilma at Nora ang mas mahusay na artista. Nasama rin sa argumento sina Imelda Papin at Claire dela Fuente. Ang masama pa, pinagtalunan din kung sino sa dalawang singer ang mas mayaman ngayon.
* * *
Hindi lamang pala sa TV nagbalikan sina Jennica Garcia at Mart Escudero, pati raw sa tunay na buhay ay balik-romance na sila.
Walang bago rito. Hindi lamang sila ang nagbalikan matapos maghiwalay. Sana this time, mas mature na sila to understand na may mga kalakip na sangkap ang pagkakaroon ng relasyon. Like yung pagtitiwala. Na anuman ang mangyari, they should believe one another, stick to one another.
Kung ano ang naging dahilan ng kanilang separation, sana hindi na maulit.