Sa kanyang Facebook account ibinubuhos ng sikat na aktres ang nararamdaman sa nangyayari sa personal niyang buhay at career. Malulungkot ang pino-post nito at minsan, walang sinusulat kundi puro tuldok. After every post, nilalagyan pa niya ng sad smiley emoticon.
Example sa post ng sikat na aktres ay “It’s a dead end,” “tiim bagang,” at “back to zero. Hay!” Walang project ngayon ang sikat na aktres at nagkaroon pa ng problema ang lovelife, hindi siya nai-interview, kaya sa Facebook account siya naglalabas ng emosyon.
* * *
Walang pahinga si Lani Mercado dahil katatapos lang ng All My Life, mapapanood siya sa Kaya Kong Abutin ang Langit na sa Lunes na ang pilot telecast. Role ng ina nina Iza Calzado at Angelika dela Cruz sa remake ng movie na unang ginampanan ni Charito Solis ang kanyang papel. Pinanood niya ang pelikula para lang makita kung paano ang atakeng ginawa ni Ms. Solis sa role. Si Topel Lee ang kanilang director.
Birthday ni Sen. Bong Revilla, Jr. bukas, Friday at inalam namin kay Lani kung ano ang regalo niya sa asawa. Secret nga lang at bukas pa niya ipapaalam, basta magagamit ng esposo at sana raw ay gamitin nito.
Ano ang birthday wish niya sa asawa?
“Ang maging successful ang Panday na first joint venture ng Imus Films sa GMA Films dahil tribute ito ni Bong kay ninong FPJ. Sana rin, manalo uling senador si Bong,” sagot ng misis.
Ibinalita rin ni Lani na this Thursday na ang groundbreaking ng ipatatayong hospital sa Cavite ng mga Revilla (Bautista). Donation ni Mr. Ramon Revilla, Sr. ang lote na pagtatayuan ng ospital at tutulong si Sen. Juan Ponce Enrile na magkaroon ng pondo. Hindi pa tiyak kung Bacoor Municipal Hospital o Revilla Hospital ang ipapangalan sa ospital.
* * *
Gusto ni Ara Mina ang role niya sa Tinik sa Dibdib dahil acting piece at kailangan niyang makipagsabayan sa acting kina Sunshine Dizon at Marvin Agustin na madalas niyang kaeksena. Kailangan din niyang galingan para ’di mapahiya kay direk Gil Tejada na first time niyang maging director.
Samantala, hindi apektado si Ara sa tsismis sa kanila ni DILG Sec. Ronaldo “Ronnie” Puno dahil hindi totoo. Matagal na niyang kilala si Sec. Puno at siya ang nagtulay para mailapit ni Rochelle Barrameda ang problema sa kaso ng kapatid, pero ngayon lang sila natsismis. Ang matinding palaisipan kay Ara ay kung sino ang naninira sa kanya at bakit alam ang mga celfone numbers ng showbiz press nang pasimuno sa tsismis.
Inihahanda na ni Ara ang sarili sa marami pang tsismis at intrigang darating dahil tuloy ang pagtakbo niyang konsehal sa 2nd district ng Quezon City. Wala pa siyang party at ’di pa alam kung sino ang kanyang mayor at vice mayor, pero tuloy na ang pagpasok niya sa pulitika.
* * *
Sabi ni Mr. Edgar “Injap” Sia II na kaya si Mark Bautista ang kinuha niyang celebrity endorser ng Mang Inasal dahil hindi pa man nila ito endorser, pina-patronize na ng pop singer ang kanilang produkto. Hindi na nito nai-elaborate kung paano niya nalamang favorite ng singer-actor ang Mang Inasal na ang ibig sabihin ay Mr. Barbecue.
May 161 outlets na ang Mang Inasal, ang una’y sa MOA two years ago at madadagdagan pa ito dahil bago magtapos ang taon, 32 more outlets ang bubuksan.
Sabi ni Mr. Sia, kung dati’y puro sa fastfood lang ang chicken, ngayon ay may pagpipilian na.
Specialty nila ang chicken inasal o inihaw, pero sabi nina Leo Bukas at Ethel Ramos, to die for ang inihaw na atay ng manok.
* * *
Sa Stairway to Heaven, pinag-awayan nina Cholo (Dingdong Dantes) at Eunice (Glaiza de Castro) ang announcement ni Maita (Jean Garcia) na malapit na silang ikasal. Sa sama ng loob, pupunta ang binata sa kanilang beach house. Nasa beach din noon sina Jenna (Rhian Ramos) at Charlie (TJ Trinidad) at nagpi-picnic, pero ’di makikilala ni Cholo si Jenna-Jodi dahil naka-cap.