Dahil sa kontrabidang karakter: Phillip ipinagdarasal araw-araw ng pastor
Masuwerte si Sen. Bong Revilla dahil nakuha niya ang serbisyo ng magaling na si Phillip Salvador para sa Ang Panday. Ginagampanan ni Ipe sa pelikula ang kauna-unahan niyang kontrabida role.
Isang linggo ring pinag-isipan ng action star ang offer ng kaibigang senador dahil bukod sa first kontrabida role niya ito, isang demonyo pa ang role niya bilang si Lizardo. At hindi lamang siya demonyo kundi hari pa ng mga demonyo. Kinailangan pa niyang hingin ang advice ng kanyang pastor.
Pinayagan naman siya pero araw-araw ay ipinagdarasal nila siya from day one na magtrabaho siya sa movie.
True to being Bong’s friend, wala ng political agenda si Ipe. Nakasuporta na lamang siya kina Sen. Bong at Sen. Jinggoy Estrada.
“Ibibigay ko maski buhay ko para sa kanila,” ang sabi niya.
Ang galing naman. Kung lahat tayo ay magkakaroon ng kaibigan na tulad ni Ipe, wala na tayong magiging kaaway. Gaganda na ang mundo. Pero hindi ganito ang takbo ng mundo na kung saan pera at kapangyarihan ang namamayani. Para maka-survive, walang kaibi-kaibigan o kama-kamag-anak. Laban-laban lahat.
Hay naku, we need more people like Phillip Salvador!
* * *
Sa premiere night ng Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie, ang dami-daming bumabati sa akin, congratulating me sa magandang itinatakbo ng career ng alaga kong si Jhake Vargas.
Latest project niya ay ang batang role ni Tristan na ginagampanan naman ni TJ Trinidad bilang adult sa Stairway to Heaven.
Magkamukhang-magkamukha raw sina Jhake at TJ kaya okay silang magkasama. Flattered naman si Jhake dahil magaling na artista si TJ.
Ngayon lamang nari-realize ni Jhake kung gaano kahirap maging artista. Madalas na siyang mapuyat at para sa kanyang role bilang mas batang Tristan, parang permanente nang namumula ang kanyang mukha dahil sa kasasampal ni Jean Garcia. Silang dalawa ang minamaltrato ni Jean sa serye. Kung tutuuusin, hindi pa masakit ang sampal ni Jean dahil kanang kamay ang ginagamit nitong panampal eh kaliwete ito.
* * *
Talaga kayang ayaw pang paligawan ng nanay niya si Sarah Geronimo? Eh 21 years old na ito. Kung ayaw niyang magkaroon ng boyfriend ang anak dahil baka maapektuhan ang career, payagan man lang niyang madalaw ng manliligaw sa bahay. Isa itong bahagi ng buhay na dapat maranasan ni Sarah bilang isang babae. I’m sure nasa hustong gulang na si Sarah para malaman kung ano ang mabuti at masama. o0o
Si Ruffa Gutierrez ba yung ayaw pangalanan na nababasa ko madalas sa mga columns? Sinasabi kasi na aalis ito patungong US at tinitiyak na nilang magkikita ito at si John Lloyd Cruz na pa-US din para sa TFC affair. Mas tumitining ang paghihinala ng lahat dahil humiwalay si John Lloyd sa grupo, nag-iba raw ng eroplano.
Totoo ba ito, Ruffa? Baka mag-deny na naman kayo tapos may makakakita at makakakuha sa inyo ng video. Konting ingat naman dahil lahat ng mata, nakatuon sa inyo. Huwag n’yong ilalagay sa posisyon ang sarili n’yo na tatawagin kayong sinungaling ng mga tao. Mahirap ang taong walang credibility. Besides, what’s wrong kung kayo nga ni John Lloyd, pareho naman kayong libre?
- Latest