^

PSN Showbiz

Hollywood film ni Iza nagparaya sa Yaya & Angelina

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Successful ang red carpet premiere ng Yaya & Angelina: The Spoiled Brat Movie noong Linggo.

Hinintay ng mga tao ang pagdating nina Michael V. at Ogie Alcasid.

Nag-unahan din sila sa pagpasok sa loob ng sinehan dahil sa kagustuhan nila na mapanood ang Yaya & Angelina. Ayaw nila na mahuli sa balita tungkol sa bonggang pelikula nina Ogie at Michael V.

* * *

Hindi ipinalabas sa premiere screening ng Yaya & Angelina ang trailer ng Patient X.

Hindi pa ready ang teaser ng Halloween presentation ng Rgutz Productions, Viva Films, at GMA Films.

Mismong ang Patient X director na si Yam Laranas ang gumawa ng teaser ng inaabangan na pelikula ni Richard Gutierrez.

Subok na ang husay ni Yam na pang-world class ang talent kaya isa siya sa mga ipinagmamalaking direktor ng ating bansa.

* * *

Dahil si Yam ang ating topic, bigla kong naalaala na bukas ang red carpet premiere ng The Echo sa SM Megamall.

Siguradong dadalo sina Yam at Iza Calzado sa premiere night ng kanilang unang Hollywood movie.

Dalawang pelikula ni Iza ang magkasunod na ipalalabas. Isang linggo lang ang pagitan ng playdate ng Yaya & Angelina at The Echo.

Muntik nang magkasabay ang showing bukas ng mga movies ni Iza. Mabuti na lang, nagparaya ang booker ng The Echo kaya napigilan ang pakikipagsalpukan nito sa Yaya & Angelina.

* * *

Nagsimula na ng training sa Baguio City si Manny Pacquiao.

Eight weeks ang training ni Manny kaya hindi siya puwedeng abalahin.

Pinili ni Manny ang Baguio City dahil malamig ang klima doon. Bundok ang lugar at pabor ito sa araw-araw na pagtakbo ni Manny.

May disiplina sa katawan si Manny kaya mabibigo ang mga nagbabalak na abalahin siya sa kanyang training. Naka-focus ang atensyon niya sa laban nila ni Manuel Cotto.

vuukle comment

BAGUIO CITY

IZA

IZA CALZADO

MANUEL COTTO

MICHAEL V

OGIE ALCASID

PATIENT X

RGUTZ PRODUCTIONS

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with