^

PSN Showbiz

Rosalinda magiging si Paloma!

-

MANILA, Philippines - Mas maraming manonood ang siguradong nakatutok ngayon sa nakakaantig na kuwento ni Rosalinda matapos nitong talikuran ang nakaraan at nangakong paghihigantihan ang lahat nang nanakit sa kanya sa pamamagitan ng kanyang bagong anyo – ang matapang at palaban na bagong mang-aawit na si Paloma!

Pinangungunahan nila Carla Abellana, Geoff Eigenmann at Jomari Yllana, mas kapana-panabik ang mga darating pang mga eksena sa Rosalinda matapos masaksihan mismo ng mabait at mapagmahal na si Rosalinda (Carla Abellana) ang kasal ng kanyang asawang si Fernando Jose (Geoff Eigenmann) at mahaderang kapatid na si Fedra (Katrina Halili). Nakakuha ang episode na ito noong Huwebes ng overnight rating na 33.1% na siyang patunay na maraming manonood ang interesado sa panibagong pakikipagsapalaran ni Rosalinda.

Sa tulong ng record-producer at talent manager na si Alex Durantes, gagaling si Rosalinda, babangon mula sa mapait niyang nakaraan at tatanggapin ng buong-buo ang bagong katauhan bilang si Paloma.

Pangako ni Paloma na maghihiganti siya sa lahat ng mga umapi sa kanya kabilang na ang kapatid na si Fedra, ang biyenan na si Valeria (Sheryl Cruz) at lalo na ang asawa nitong si Fernando Jose. Pangako rin ni Paloma sa sarili na babawiin niya ang anak na si Erica ano man ang mangyari.

At ngayong Linggo, alamin kung paano magugulo at mag-iiba ang buhay ng mga taong nakapaligid kay Rosalinda sa kanyang first public appearance sa kanyang kauna-unahang concert bilang singer na si Paloma!

Mapapanood ang Rosalinda gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Stairway to Heaven sa GMA Telebabad.

vuukle comment

ALEX DURANTES

CARLA ABELLANA

FEDRA

FERNANDO JOSE

GEOFF EIGENMANN

JOMARI YLLANA

KATRINA HALILI

PANGAKO

ROSALINDA

SHERYL CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with