BB binigyan ng kotse ni Robin

I‘m happy to know na mahal din pala ni Robin Padilla ang kanyang kapatid na si BB Gandanghari. Niregaluhan niya ito ng isang kotse para may magamit sa pagpunta-punta sa kanyang trabaho. 

Sabi ko na nga ba, yung galit ay initial reaction lamang. Pag humupa na ang galit, magtutuloy pa rin ang pagdaloy ng iisang dugo, babalik at mananaig yung pagmamahalang kinalakhan. After all, yung nangyari kay BB ay kapalaran na hindi niya matatalikdan. Hindi sila ang unang pamilya na nagkaroon ng bakla sa pamilya. I’m sure kung kakayanin niya ay itatago pa rin ni BB ang pagiging bakla niya pero, siguro panahon na para siya lumantad, na siya niyang ginawa. 

* * *

Eto na naman si Glaiza de Castro at may gustong pumorma, mapigilan kaya niyang muli ang balak na panliligaw sa kanya ni Jace Flores, isa sa mga naging finalists sa Survivor 1? Tulad nang ginawa nilang pagpigil ni Patrick Garcia sa kanilang gumagandang relasyon?   

Show comments