MANILA, Philippines - Walang sawa sa kampanya si Gov. Vilma Santos na maging habit uli ang pag-inom ng gatas dahil makakatulong ito sa pag-nurture ng kinabukasan ng kabataan.
Ito ang mensahe ni Gov. Vi kamakailan sa launching ng Laki Sa Gatas, ang nutrition education advocacy initiated by Bear Brand Powdered Milk Drink.Binisita ng Laki Sa Gatas Caravan ang Ponciano Bernardo Elementary School sa Quezon City kamakailan kasama si Gov. Vi.
“Schoolchildren who are not properly nourished cannot learn their lessons well. If they come to school hungry, they would find it difficult to listen at maintindihan kung anong itinuturo sa kanila,” sabi ni Gov. Vi.
Naniniwala rin siya na importane sa lahat ang pagtuturo ng proper nutrition sa mga ina at sa mga nagsisilbing ina sa mga eskuwelahan, ang mga teachers.
Simula noong 2006, 2,989 na eskuwelahan na ang nabisita ng Laki Sa Gatas sa buong bansa at nakatulong na sa 1,418,806 kids, 517,402 moms, 33,287 teachers and 1,763 barangay nutrition scholars hanggang sa sinusulat ito.