MANILA, Philippines - Puno ng mga physical challenges ang Survivor Philippines: Palau na maaaring isiping sadya lamang para sa mga lalaki o sa mga may malakas at matipunong pangangatawan. Ngunit ilan sa mga castaways ngayong season ay mga babaeng napatunayan na kaya nilang makipagpautakan, makipagpagalingan, at makipagtatagan sa mga lalaki.
Sa isla, patuloy nilang winawasak ang mga stereotypes at gender roles upang umangat sa laban at subuking matanghal na sole survivor. Ipinakita sa mga nakaraang episodes ang kanilang mapanlinlang na taktika sa pamamagitan ng alliances at teamwork.
Narito ang natitirang kababaihan sa Survivor Philippines: Palau:
Amanda Coolley van Cool, 25 years old, construction worker, Mindoro; Echo Caceres, 20, call center agent, Bicol; Tara Macias, 19, English tutor for Koreans, Cebu; Jeff Gaitan, 22, print and commercial model, Laguna; Justine Ferrer, 29, businesswoman, Caloocan; at Mika Batchelor, 25, chef and restaurant owner, Palawan.
Panoorin ang mga naggagandahan ngunit palabang babae sa Survivor Philippines : Palau, gabi-gabi sa GMA Telebabad ng Kapuso. Maaari ring ma-access ang official blog website ng reality show sa www.survivorphilippines.tv.