Libreng tiket sa Science Discovery Center

MANILA, Philippines - Puwede nang isama ang mga tsikiting sa isang araw na puno ng kaalaman sa agham at kasiyahang dulot ng pamamasyal sa Science Discovery Center sa Entertainment Mall ng SM Mall of Asia. Libre ito! Basta’t bumili lamang ng Nido products na may espesyal na marka sa kahit saang SM Supermarket.

Ang Nido Fortified 2.5 kg., 1.8 kg., o Nido 3+1 kg. ang makakapagbigay ng isang free pass sa Nido Fortified Science Discovery Center. Maaari ring makakuha ng diskwento ng P120 sa entrance ticket ang magdadala ng Nido Fortfied 900g o Nido 3+1 kg. na label. Hanggang Disyembre 31 pa ang promo.

“This promo is a joint initiative ng SM at Nido Fortified para maging accessible ang science sa mga kids,” sabi ni Joseph Eugene David, business executive manager ng Nestlé Philippines, Inc. (NPI) sa Dairy, Health & Nutrition Solutions Business Unit.

Para ma-claim ang free pass at discounted ticket, ang mga bibisita sa Nido Fortified Science Discovery Center ay inaabisuhang magdala ng valid Nido Fortified or Nido 3+ label na may promo sticker.

Ang Nido Fortified Science Discovery Center ay parte ng layunin ng kumpanyang NPI na i-promote ang science education sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng experiential learning o ang aktwal na maranasan ang mga nababasa lang.

“Experiential learning provides students the opportunity to construct the understanding necessary to produce deeper learning. Mas matututo ng mabilis ang mga estudyante sa pamamagitan ng exploration, discovery, at interaction. Kaya we need to create an environment that encourages and inspires our children to love science,” sabi naman ni Dr. Josette Biyo, grand winner ng 2002 Intel ISEF Excellence sa Teaching Award.

Kung may katanungan, tumawag sa Nestlé Consumer Services sa 898-0061 o sa Nido Fortified Science Discovery Center sa 556-2153.

Show comments